Pagdating sa café, agad niyang ipinarada ang sasakyan at pumasok sa loob. Sinalubong siya ng amoy ng bagong timplang kape at mahinang tugtog mula sa speakers. Agad niyang hinanap si Maxine. Napahinto siya nang makita ang kaibigan sa isang table malapit sa bintana. Kasama nito ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Si Leon. Ang nakababatang kapatid ni Enzo. “Wait… Leon?” bulong ni Sabrina, bahagyang nagulat habang papalapit sa kanilang mesa. Napansin siya ni Maxine at agad na kumaway. “Girl! Here!” “Hi,” mahinang bati ni Sabrina, saka napatingin kay Leon. “Hi, Sabrina,” nakangiting bati ng lalaki. Bahagya itong tumango at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. “Come here. Dito ka na umupo.” Nag-aalinlangan siyang tumingin kay Maxine. “Bakit kayo magkasama?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Am I interrupting something?” “No, of course not!” mabilis na sagot ni Maxine. “Nagkataon lang na nagkita kami ni Leon kanina.” “Exactly,” dagdag ni Leon, nakangiting naka
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-25 อ่านเพิ่มเติม