แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Zerorizz
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 17:12:15

Pagdating nina Sabrina at Leon sa condo nito, agad silang dumiretso sa gaming room. Hindi na nag-aksaya ng oras si Leon at binuksan ang computer, habang si Sabrina naman ay excited na umupo sa tabi niya.

“Ready ka na bang matalo?” nakangiting tanong ni Leon habang inaayos ang headset.

Napangiti si Leon nang mapansin ang excitement sa mukha ni Sabrina. Hindi niya maiwasang mapatingin dito nang ilang segundo, tila natutuwa sa simpleng bagay na makita itong masaya. Sa kabila ng lahat, gusto niyang manatili ang ngiting iyon sa mukha ni Sabrina.

Napataas ang kilay ni Sabrina at napahawak sa mouse. “Excuse me? Ako ang dapat mong katakutan.”

Napatawa si Leon sa kumpiyansa niya. “We’ll see.”

Agad silang nagsimula sa laro. Sa una, puro tawanan at asaran lamang ang namagitan sa kanila. Minsan ay napapahiyaw si Sabrina kapag natatalo, at mas lalo namang natutuwa si Leon kapag nakikita ang reaksyon niya.

“Leon! You cheated!” reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen.

Reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen, bahagyang nakakunot ang noo at nakapout ang labi.

“Walang cheating. Skill issue lang,” pang-aasar nito.

Sabay lapad ng ngiti habang sinulyapan siya.

“Ang yabang mo!”

Balik ni Sabrina, ngunit hindi rin niya napigilang matawa sa pang-aasar ni Leon.

“I could get used to watching you like this.”

Napahinto si Sabrina at napatingin sa kanya. Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Leon, na para bang hindi niya sinasadyang mabitawan ang sinabi. Ngunit mabilis din itong ngumiti at ibinalik ang atensyon sa laro.

Hindi alam ni Sabrina kung bakit mas mabilis ang tibok ng kanyang puso sa simpleng komento. Marahil dahil matagal na siyang hindi nakakatanggap ng ganitong atensyon.

Sa piling ni Leon, pakiramdam niya ay hindi siya kailangang magpanggap na masaya. Hindi niya kailangang magmakaawa para mapansin.

At iyon ang dahilan kung bakit unti-unti siyang natatakot sa nararamdaman.

Asawa ako ni Enzo, paalala niya sa sarili. Hindi dapat ganito.

Ngunit habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman ang gaan sa tabi ni Leon.

“Careful, Sabrina!” biglang sabi ni Leon nang mapansin niyang tumayo siya upang kunin ang baso sa mesa.

Ngunit bago pa siya makasagot, natapilok si Sabrina sa gilid ng upuan.

“Ah!”

Mabilis siyang sinalo ni Leon, ngunit dahil sa biglaang paggalaw, napaupo siya sa mismong kandungan nito. Napahawak siya sa mga balikat ni Leon upang hindi tuluyang mawalan ng balanse.

Sandaling natigil ang lahat.

Nasa harap pa rin nila ang computer screen, ngunit pareho silang tila nakalimot sa larong kanilang nilalaro. Napatingin si Sabrina kay Leon, at nakita niyang nakatitig din ito sa kanya.

“Are you okay?” mahinang tanong ni Leon.

Tumango si Sabrina, ngunit hindi agad siya gumalaw. Naramdaman niya ang init ng mga kamay nito sa kanyang tagiliran, habang ang mga braso niya ay nanatiling nakahawak sa balikat ni Leon.

“Leon…” mahina niyang sambit.

Hindi niya alam kung babala ba iyon, o simpleng pagtawag sa pangalan nito dahil hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

Bahagyang lumapit ang mukha ni Leon. Hindi siya nito pinilit na bumaba, ngunit hindi rin nito agad binitiwan ang pagkakasalo sa kanya.

“Sabrina,” bulong nito, seryoso na ang tinig. “You have no idea how hard it is for me to pretend that I don’t want you.”

Napalunok si Sabrina. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya, at ang init na tila kumalat sa buong katawan.

“Leon… this is wrong,” mahinang sabi niya.

“I know.”

“Your brother is my husband.”

“I know that too.”

Sa kabila ng mga salitang iyon, hindi niya nakitang lumayo si Leon. Sa halip, nanatili ang tingin nito sa kanya—malalim, puno ng damdaming matagal nang itinatago.

“If things were different,” pagpapatuloy ni Leon, “I would ask you to choose me. I’d give you the kind of love you’ve been searching for. I wish you could be mine, Sabrina.”

Napapikit siya sandali.

Alam niyang hindi dapat niya hinahayaan ang ganitong sandali. Alam niyang may hangganan ang dapat nilang panatilihin. Ngunit sa unang pagkakataon, may taong nagsasabi sa kanya ng mga salitang matagal na niyang gustong marinig.

At ang mas nakakatakot, gusto niyang paniwalaan ang mga iyon.

“Leon…” ulit niya, halos pabulong.

Ngunit bago pa makasagot si Leon, biglang bumukas ang p***o ng condo.

“Sabrina?”

Nanigas silang pareho.

Dahan-dahang napalingon si Sabrina sa may pintuan. Nakatayo roon si Enzo, hawak ang susi at tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Nasa kandungan pa rin siya ni Leon, nakahawak ang mga braso sa balikat nito, habang ang mga kamay naman ni Leon ay nasa tagiliran niya.

Hindi agad nakapagsalita si Enzo.

Ang dating pagod at walang pakialam na ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng matinding pagkagulat—at galit.

“Sabrina,” malamig nitong sambit.

“What the hell is going on here?”

Mabilis na bumaba si Sabrina mula sa kandungan ni Leon, ngunit huli na.

Nakita na ni Enzo ang lahat.

At sa isang iglap, ang masayang sandali nina Sabrina at Leon ay naging isang komplikasyong hindi na nila kayang takasan.

Pagdating nina Sabrina at Leon sa condo nito, agad silang dumiretso sa gaming room. Hindi na nag-aksaya ng oras si Leon at binuksan ang computer, habang si Sabrina naman ay excited na umupo sa tabi niya.

“Ready ka na bang matalo?” nakangiting tanong ni Leon habang inaayos ang headset.

Napangiti si Leon nang mapansin ang excitement sa mukha ni Sabrina. Hindi niya maiwasang mapatingin dito nang ilang segundo, tila natutuwa sa simpleng bagay na makita itong masaya. Sa kabila ng lahat, gusto niyang manatili ang ngiting iyon sa mukha ni Sabrina.

Napataas ang kilay ni Sabrina at napahawak sa mouse. “Excuse me? Ako ang dapat mong katakutan.”

Napatawa si Leon sa kumpiyansa niya. “We’ll see.”

Agad silang nagsimula sa laro. Sa una, puro tawanan at asaran lamang ang namagitan sa kanila. Minsan ay napapahiyaw si Sabrina kapag natatalo, at mas lalo namang natutuwa si Leon kapag nakikita ang reaksyon niya.

“Leon! You cheated!” reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen.

Reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen, bahagyang nakakunot ang noo at nakapout ang labi.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 5

    “Unbelievable,” bulong niya, saka napailing.Naiwan si Enzo sa condo, nakatayo sa gitna ng sala habang nakatitig sa pintuang kakasara lamang. Ilang sandali siyang hindi gumalaw, tila sinusubukang intindihin ang lahat ng nangyari.Hindi siya makapaniwala. Sabrina. Ang asawa niya. At si Leon—ang sarili niyang kapatid.“Paano niya nagawa sa akin ’to?” tanong niya sa sarili.Napahawak siya sa noo at malalim na bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung mas matindi ba ang galit niya kay Leon o ang sakit na naramdaman sa mga sinabi ni Sabrina.I felt loved.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga salitang iyon.“Loved?” mapait niyang sambit.“I’m her husband. I’m supposed to be the one making her feel that way.”Nagsimula siyang maglakad sa loob ng condo. Bawat hakbang ay mabigat, at hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman niya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, ngunit tila lalo lamang lumalakas ang mga tanong sa kanyang isip.Bakit dito pumunta si Sabrina?Bakit hinaya

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 4

    “What the hell is going on here?” malamig ngunit puno ng galit na tanong ni Enzo.Napatayo nang tuwid si Sabrina, tila hindi alam kung saan magsisimula. Nanatiling tahimik si Leon, ngunit hindi nito inalis ang tingin sa nakatatandang kapatid.“Enzo…” mahinang sambit ni Sabrina.“Don’t.” Itinaas ni Enzo ang kamay, pinipigilan siyang magsalita. “I asked you a question. What are you doing here? In my brother’s condo?”Napayuko si Sabrina. Hindi niya kayang salubungin ang galit sa mukha ng asawa. Ngunit bago pa siya makapagsalita, sumagot si Leon.“She came here because she wanted to.”Mabilis na napalingon si Enzo sa kapatid. “I’m not talking to you.”“But you should,” kalmadong sagot ni Leon. “Because you’re the reason she’s here.”“Watch your mouth, Leon.”“Why? Because I’m telling the truth?”Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Pareho silang nakatitig sa isa’t isa, walang gustong umatras. Sa gitna nila, si Sabrina ay nanatiling tahimik, hindi alam kung paano pipigilan

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 3

    Pagdating nina Sabrina at Leon sa condo nito, agad silang dumiretso sa gaming room. Hindi na nag-aksaya ng oras si Leon at binuksan ang computer, habang si Sabrina naman ay excited na umupo sa tabi niya.“Ready ka na bang matalo?” nakangiting tanong ni Leon habang inaayos ang headset.Napangiti si Leon nang mapansin ang excitement sa mukha ni Sabrina. Hindi niya maiwasang mapatingin dito nang ilang segundo, tila natutuwa sa simpleng bagay na makita itong masaya. Sa kabila ng lahat, gusto niyang manatili ang ngiting iyon sa mukha ni Sabrina.Napataas ang kilay ni Sabrina at napahawak sa mouse. “Excuse me? Ako ang dapat mong katakutan.”Napatawa si Leon sa kumpiyansa niya. “We’ll see.”Agad silang nagsimula sa laro. Sa una, puro tawanan at asaran lamang ang namagitan sa kanila. Minsan ay napapahiyaw si Sabrina kapag natatalo, at mas lalo namang natutuwa si Leon kapag nakikita ang reaksyon niya.“Leon! You cheated!” reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen.Reklamo ni Sabrina habang

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 2

    Pagdating sa café, agad niyang ipinarada ang sasakyan at pumasok sa loob. Sinalubong siya ng amoy ng bagong timplang kape at mahinang tugtog mula sa speakers. Agad niyang hinanap si Maxine. Napahinto siya nang makita ang kaibigan sa isang table malapit sa bintana. Kasama nito ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Si Leon. Ang nakababatang kapatid ni Enzo. “Wait… Leon?” bulong ni Sabrina, bahagyang nagulat habang papalapit sa kanilang mesa. Napansin siya ni Maxine at agad na kumaway. “Girl! Here!” “Hi,” mahinang bati ni Sabrina, saka napatingin kay Leon. “Hi, Sabrina,” nakangiting bati ng lalaki. Bahagya itong tumango at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. “Come here. Dito ka na umupo.” Nag-aalinlangan siyang tumingin kay Maxine. “Bakit kayo magkasama?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Am I interrupting something?” “No, of course not!” mabilis na sagot ni Maxine. “Nagkataon lang na nagkita kami ni Leon kanina.” “Exactly,” dagdag ni Leon, nakangiting naka

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 1

    Mula sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ni Sabrina Mercado ang sarili habang marahang inaayos ang laylayan ng suot niyang evening gown.Kulay champagne ang damit na pinili niya para sa kanilang ikatlong wedding anniversary ni Enzo. Simple ngunit eleganteng tingnan, may manipis na straps at bahagyang kumikinang sa bawat galaw. Ilang araw niya itong hinanap, umaasang kahit sa espesyal na gabing ito ay mapapansin siya ng kanyang asawa.Ngumiti siya sa sariling repleksiyon.“Perfect,” bulong niya.Muli niyang sinuri ang kanyang make-up. Bahagyang pink ang kanyang labi, habang nakalugay ang buhok sa malalambot na alon. Hindi siya madalas mag-ayos nang ganito, kaya gusto niyang maging espesyal ang gabing ito.Tatlong taon na silang kasal ni Enzo.Tatlong taon na rin siyang umaasang mararamdaman ang pagmamahal na matagal na niyang hinihintay.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras.7:15 PM.“Enzo, ready ka na ba?” tawag niya habang lumalabas ng dressing room.Nakita niya ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status