แชร์

Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother
Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother
ผู้แต่ง: Zerorizz

Chapter 1

ผู้เขียน: Zerorizz
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 17:11:19

Mula sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ni Sabrina Mercado ang sarili habang marahang inaayos ang laylayan ng suot niyang evening gown.

Kulay champagne ang damit na pinili niya para sa kanilang ikatlong wedding anniversary ni Enzo. Simple ngunit eleganteng tingnan, may manipis na straps at bahagyang kumikinang sa bawat galaw. Ilang araw niya itong hinanap, umaasang kahit sa espesyal na gabing ito ay mapapansin siya ng kanyang asawa.

Ngumiti siya sa sariling repleksiyon.

“Perfect,” bulong niya.

Muli niyang sinuri ang kanyang make-up. Bahagyang pink ang kanyang labi, habang nakalugay ang buhok sa malalambot na alon. Hindi siya madalas mag-ayos nang ganito, kaya gusto niyang maging espesyal ang gabing ito.

Tatlong taon na silang kasal ni Enzo.

Tatlong taon na rin siyang umaasang mararamdaman ang pagmamahal na matagal na niyang hinihintay.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras.

7:15 PM.

“Enzo, ready ka na ba?” tawag niya habang lumalabas ng dressing room.

Nakita niya ang asawa na nakaupo sa sofa, nakasuot ng itim na slacks at puting polo. Nakayuko ito sa cellphone, tila walang ibang bagay na mahalaga sa paligid.

“Enzo?”

“Hmm?” walang interes na sagot nito. Hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa cellphone, abala sa pagbabasa ng mga mensaheng sunod-sunod na pumapasok.

“Ready ka na ba?”

“Wait lang.”

Napabuntong-hininga si Sabrina. Ilang minuto na silang dapat umalis, pero hindi man lang ito gumagalaw.

“Enzo, anniversary natin ngayon.”

“I know.”

“Then?”

“Wait, Sab. May inaasikaso lang ako.” Napatingin si Sabrina sa sarili niyang damit bago muling lumapit sa asawa.

“Enzo, tingnan mo nga ako,” mahinahon niyang pakiusap.

“Hmm?” walang interes na tugon ni Enzo.

“Look at me.”

Sandaling itinaas nito ang tingin.

“Wow. Ang ganda mo.”

Muling bumalik ang atensiyon nito sa cellphone, tila sapat na ang maikling papuri upang matapos ang usapan.

Natigilan si Sabrina.

“That's it?”

“Ha?”

“That's all you're going to say?”

Napakunot-noo si Enzo. “Ano bang problema?”

“Wala.” Napailing siya. “Wala, Enzo.”

“Sab, please. Busy ako.”

Natawa si Sabrina, ngunit walang saya sa kanyang tinig.

“Busy ka?”

“Yes. May meeting ako with the Singapore team. May kailangan silang i-finalize tonight.”

“Tonight? Anniversary natin, Enzo.”

“Alam ko nga.”

“Alam mo, pero parang wala lang sa'yo!”

Biglang sigaw ni Sabrina. Hindi na niya napigilan ang emosyon, at tuluyan nang nabasag ang ngiting pilit niyang pinananatili.

“Can you lower your voice?” tanong ni Enzo, halatang hindi nagustuhan ang pagtaas ng tono niya.

“Bakit? Nakakaistorbo ba ako?”

“Sabrina, huwag na nating gawing big deal ang bagay na ito.”

“Big deal?” ulit niya, halos hindi makapaniwala. “I spent days preparing for tonight. I bought this dress because I wanted to look beautiful for you. I even canceled my appointment just so I could spend this evening with you.”

“Then I appreciate it.”

“Appreciate it?” Napailing siya. “You haven't even looked at me properly!”

Napabuntong-hininga si Enzo at inilapag ang cellphone sa sofa.

“Look, Sab. I'm sorry, okay? I have a lot of things to do. Hindi naman puwedeng basta ko na lang iwan ang trabaho ko.”

“Hindi ko naman hinihingi na iwan mo ang trabaho mo!”

“Then what do you want?”

“Your attention!”

Natahimik ang dalawa.

Mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Sabrina. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang ipaliwanag ang isang bagay na dapat ay kusang ibinibigay ng isang asawa.

“Gusto ko lang naman na kahit isang gabi, maramdaman kong importante ako sa'yo,” dagdag niya.

Tumingin si Enzo sa kanyang relo.

“Sab, please. Huwag ka nang mag-drama. We have dinner reservations.”

Parang may kung anong bagay na tuluyang nabasag sa loob ni Sabrina.

Drama. Iyon na naman.

Tuwing sinusubukan niyang sabihin ang kanyang nararamdaman, palaging ganoon ang tingin ni Enzo sa kanya. Para bang ang paghingi ng atensiyon ay isang malaking kasalanan.

“Alam mo kung ano ang problema mo?” tanong niya.

“Here we go again.”

“Hindi mo man lang sinusubukang intindihin kung ano ang nararamdaman ko.”

“I'm working for us, Sabrina.”

“For us?” Mapait siyang ngumiti. “Minsan, pakiramdam ko, ako na lang ang may pakialam sa marriage natin.”

“That's unfair.”

“Is it?”

Tumayo si Enzo at kinuha ang cellphone. “I'm not going to argue with you. Pagod na ako.”

Napatingin si Sabrina sa kanya.

“Pagod ka?”

“Yes. Pagod sa trabaho. Pagod sa lahat. Can you just understand that for once?”

Napatawa siya nang mahina.

Understand. Iyon ang palaging hinihingi ni Enzo sa kanya. Intindihin ang trabaho, schedule, pagod, meeting, at mga tawag.

Pero kailan siya maiintindihan?

“Fine,” sagot niya.

Kinuha niya ang kanyang handbag mula sa mesa.

“Sabrina, saan ka pupunta?”

“Outside.”

“Why?”

“Because I don't want to argue anymore.”

“Sab, don't be childish.”

Napahinto siya sa may pintuan.

*Childish.*

Muli niyang narinig ang salitang iyon mula sa kanyang asawa.

“Alam mo, Enzo? Hindi ako childish. I'm just tired.”

“Tired of what?”

“Tired of asking for things that should come naturally.”

Hindi na siya naghintay ng sagot. Binuksan niya ang p***o at tuluyang lumabas ng kanilang kuwarto. Sa likuran niya, narinig pa niya ang tunog ng cellphone ni Enzo. Sa halip na habulin siya, bumalik lamang ito sa pagta-type.

Napapikit si Sabrina habang naglalakad pababa ng hagdan.

Pagod na siyang maging asawa na kailangang magmakaawa para sa atensiyon. Pagod na siyang magpanggap na okay lang ang lahat, habang tinatago ang katotohanang hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng lalaking kasama niya sa iisang bahay.

Naupo siya sa sofa sa sala at inilabas ang cellphone.

Ilang segundo niyang tinitigan ang screen bago hanapin ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan.

Si Maxine.

Hindi pa man tumutunog ang telepono, alam na niyang sasagot ito.

“Hello?” masayang bati ng kaibigan.

“Max.”

“Girl! What's up? Bakit parang ang bigat ng boses mo?” tanong ni Maxine, unti-unting nawawala ang kasiyahan sa tono nito.

Napapikit si Sabrina.

“Can we go out?”

“Sure! Saan?”

“Anywhere. I just need coffee.”

“Okay. Give me thirty minutes. Meet tayo sa usual café natin?”

“Please.”

“Sab, are you okay?”

Sandaling natahimik si Sabrina.

“Not really.”

“Okay. Don't worry. I'm on my way.”

Natapos ang tawag. Dahan-dahang ibinaba ni Sabrina ang cellphone at tumingin sa malaking bintana ng kanilang bahay.

Anniversary nila ngayon.

Dapat masaya siya. Dapat nasa tabi niya ang asawa, hawak ang kanyang kamay, at sinasabing mahal siya nito.

Pero sa halip, narito siya, mag-isa.

At sa unang pagkakataon sa gabing iyon, hindi na niya pinilit pigilan ang luhang kanina pa nagbabanta sa kanyang mga mata.

“Happy anniversary, Sabrina,” bulong niya sa sarili.

Mapait siyang ngumiti.

“Happy anniversary.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 5

    “Unbelievable,” bulong niya, saka napailing.Naiwan si Enzo sa condo, nakatayo sa gitna ng sala habang nakatitig sa pintuang kakasara lamang. Ilang sandali siyang hindi gumalaw, tila sinusubukang intindihin ang lahat ng nangyari.Hindi siya makapaniwala. Sabrina. Ang asawa niya. At si Leon—ang sarili niyang kapatid.“Paano niya nagawa sa akin ’to?” tanong niya sa sarili.Napahawak siya sa noo at malalim na bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung mas matindi ba ang galit niya kay Leon o ang sakit na naramdaman sa mga sinabi ni Sabrina.I felt loved.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga salitang iyon.“Loved?” mapait niyang sambit.“I’m her husband. I’m supposed to be the one making her feel that way.”Nagsimula siyang maglakad sa loob ng condo. Bawat hakbang ay mabigat, at hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman niya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, ngunit tila lalo lamang lumalakas ang mga tanong sa kanyang isip.Bakit dito pumunta si Sabrina?Bakit hinaya

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 4

    “What the hell is going on here?” malamig ngunit puno ng galit na tanong ni Enzo.Napatayo nang tuwid si Sabrina, tila hindi alam kung saan magsisimula. Nanatiling tahimik si Leon, ngunit hindi nito inalis ang tingin sa nakatatandang kapatid.“Enzo…” mahinang sambit ni Sabrina.“Don’t.” Itinaas ni Enzo ang kamay, pinipigilan siyang magsalita. “I asked you a question. What are you doing here? In my brother’s condo?”Napayuko si Sabrina. Hindi niya kayang salubungin ang galit sa mukha ng asawa. Ngunit bago pa siya makapagsalita, sumagot si Leon.“She came here because she wanted to.”Mabilis na napalingon si Enzo sa kapatid. “I’m not talking to you.”“But you should,” kalmadong sagot ni Leon. “Because you’re the reason she’s here.”“Watch your mouth, Leon.”“Why? Because I’m telling the truth?”Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Pareho silang nakatitig sa isa’t isa, walang gustong umatras. Sa gitna nila, si Sabrina ay nanatiling tahimik, hindi alam kung paano pipigilan

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 3

    Pagdating nina Sabrina at Leon sa condo nito, agad silang dumiretso sa gaming room. Hindi na nag-aksaya ng oras si Leon at binuksan ang computer, habang si Sabrina naman ay excited na umupo sa tabi niya.“Ready ka na bang matalo?” nakangiting tanong ni Leon habang inaayos ang headset.Napangiti si Leon nang mapansin ang excitement sa mukha ni Sabrina. Hindi niya maiwasang mapatingin dito nang ilang segundo, tila natutuwa sa simpleng bagay na makita itong masaya. Sa kabila ng lahat, gusto niyang manatili ang ngiting iyon sa mukha ni Sabrina.Napataas ang kilay ni Sabrina at napahawak sa mouse. “Excuse me? Ako ang dapat mong katakutan.”Napatawa si Leon sa kumpiyansa niya. “We’ll see.”Agad silang nagsimula sa laro. Sa una, puro tawanan at asaran lamang ang namagitan sa kanila. Minsan ay napapahiyaw si Sabrina kapag natatalo, at mas lalo namang natutuwa si Leon kapag nakikita ang reaksyon niya.“Leon! You cheated!” reklamo ni Sabrina habang nakaturo sa screen.Reklamo ni Sabrina habang

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 2

    Pagdating sa café, agad niyang ipinarada ang sasakyan at pumasok sa loob. Sinalubong siya ng amoy ng bagong timplang kape at mahinang tugtog mula sa speakers. Agad niyang hinanap si Maxine. Napahinto siya nang makita ang kaibigan sa isang table malapit sa bintana. Kasama nito ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Si Leon. Ang nakababatang kapatid ni Enzo. “Wait… Leon?” bulong ni Sabrina, bahagyang nagulat habang papalapit sa kanilang mesa. Napansin siya ni Maxine at agad na kumaway. “Girl! Here!” “Hi,” mahinang bati ni Sabrina, saka napatingin kay Leon. “Hi, Sabrina,” nakangiting bati ng lalaki. Bahagya itong tumango at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. “Come here. Dito ka na umupo.” Nag-aalinlangan siyang tumingin kay Maxine. “Bakit kayo magkasama?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Am I interrupting something?” “No, of course not!” mabilis na sagot ni Maxine. “Nagkataon lang na nagkita kami ni Leon kanina.” “Exactly,” dagdag ni Leon, nakangiting naka

  • Trapped in Obsession: My Husband's Billionaire Brother   Chapter 1

    Mula sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ni Sabrina Mercado ang sarili habang marahang inaayos ang laylayan ng suot niyang evening gown.Kulay champagne ang damit na pinili niya para sa kanilang ikatlong wedding anniversary ni Enzo. Simple ngunit eleganteng tingnan, may manipis na straps at bahagyang kumikinang sa bawat galaw. Ilang araw niya itong hinanap, umaasang kahit sa espesyal na gabing ito ay mapapansin siya ng kanyang asawa.Ngumiti siya sa sariling repleksiyon.“Perfect,” bulong niya.Muli niyang sinuri ang kanyang make-up. Bahagyang pink ang kanyang labi, habang nakalugay ang buhok sa malalambot na alon. Hindi siya madalas mag-ayos nang ganito, kaya gusto niyang maging espesyal ang gabing ito.Tatlong taon na silang kasal ni Enzo.Tatlong taon na rin siyang umaasang mararamdaman ang pagmamahal na matagal na niyang hinihintay.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras.7:15 PM.“Enzo, ready ka na ba?” tawag niya habang lumalabas ng dressing room.Nakita niya ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status