Isang babaeng nagmula sa isang prominenteng pamilya mula sa Ilocos Norte ang mai-inlove sa isang guwapong binata na siyang pinuno ng lalawigan ng nasabing probinsiya. Isang abogadong babae at isang Congressman na lalaki. Saan sila dadal’hin ng kanilang kapalaran pagdating sa pag-ibig?
Lihat lebih banyakPROLOGUE
“Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Ate Ira?”
Napahinto ako sa pag-iimpake ng aking mga gamit nang biglang magsalita ang bunso kong kapatid na si Ismael. Kanina ka pa siya nakamasid sa akin, ang buong akala ko ay tatahimik lang siya habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Marahan akong tumango at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
“Kailangan kong umuwi. Malapit na magsimula ang kampanya para eleksiyon. Kailangan ako ni Kuya Isaac sa pangangampanya.” sagot ko naman.
“Sigurado ka bang iyon lang ang dahilan?” may bahid ng pagsisiyasat niyang tanong.
Nang matapos ko ang pagsasalansan ng gamit ko sa maleta ay tumayo na ako para magtungo sa kuwarto ng anak ko. Nang pumasok ako ay nakita ko sila ng kaniyang yaya na masayang naglalaro sa kama. Sumunod pa rin sa akin ang kapatid ko. Alam kong kukulitin niya ako tungkol sa bagay na iyon. Humarap ako sa kapatid ko at tipid na ngumiti.
“Masaya naman kami rito sa New York, Ismael. Pero ayokong ikulong si Archer dito. My son is growing old. He deserves to get to know our family especially his grandparents and his cousins.”
Napatitig sa akin ang kapatid ko.
“Paano kapag nakita ni Sandro ang bata? Paano kapag nalaman niyang anak niya ‘yan?”
Alam kong nag-aalala sila tungkol sa bagay na iyan. Pero apat taon na ang nakakalipas. Sandro won’t even remember me. Kapag nakita niya ang bata, puwede namang magpalusot na anak ko iyon sa ibang lalaki.
“Malawak ang Ilocos Norte, Ismael. Hindi naman sila magkikita kung nasa bahay lang si Archer. Don’t worry, I’ll take good care of my son.”
Wala itong nagawa kundi tumango.
Nagtungo ako sa closet ng anak ko at sinimulan nang ayusin ang kaniyang mga gamit.
“Where are we going Mommy? Yaya said that we’re leaving, is that true?”
Bumaling ako sa anak ko at saka tumango.
“Yes, baby. We’re going to go back in the Philippines.”
Natigil ito sa kaniyang ginagawa at kumunot ang noo.
“Philippines? That’s the place where Daddy lives right?”
Napalunok ako sa narinig ko. I thought he wouldn’t be able to remember that. The last time we talked about his Dad was when he is two years old. Ngayon, three and a half years old na siya. While he is growing up, I realized that my son has an exceptional memory skill. Iyong kaya niyang maalala ang mga bagay na matagal nang sinabi at nangyari. He really got his father’s gift. I remember, Sandro is like that too.
Kinuha ko ang kamay ng anak ko at tumango.
“Yes, anak. Philippines is where Daddy lives.”
Tumayo ito sa kama at tumalon-talon. Halatang tuwang-tuwa sa kaniyang nalaman.
“Are we going to see him, Mommy?”
Ngumiti ako sa kaniya.
“Only if you’ll behave once we get there.”
Huminto siya sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin. Ipinalibot niya ang kaniyang maliliit na braso sa aking leeg at hinalikan ako sa pisngi.
“Okay Mommy. Archer Louie will behave.”
Tumingin ako sa kaniyang maamong mukha at marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi.
“I miss Daddy. I want to see him.” mahinang sambit nito.
Napangiti ako nang mapait. He never sees his father yet pero namimiss niya ito. He kept on telling me that when turned two years old up until now.
“I know. I miss Daddy as well.” saad ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.
Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng anak ko. Kinabukasan ang alis namin. Hindi ko alam kung anong mangyayari, hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa amin ng anak ko sa Pilipinas. We’ve been living here for years. New York has become our safe haven. I know that it will be hard for us to leave this place.
Nang gabing iyon ay natulog ako sa tabi ng anak ko. As I was combing his hair using my fingers, I realized that for the past years, I’ve been suppressing myself to miss Alexander. Noong umalis ako ng Pilipinas nang malaman kong ipinagbubuntis ko si Archer, agad kong pinutol ang ugnayan namin sa isa’t isa. Without saying anything, I left him. My parents were mad at me for leaving like that. But they understood my reasons years after.
“Nakausap ko na yung firm na pinagtatrabahuhan ng girlfriend ko ate, she’s willing to recruit you kapag nakauwi ka na.”
Tumingin ako sa kapatid ko at hinawakan ang kaniyang balikat.
“You’ve done so much for us, Ismael. Yung paghahanap ng trabaho, ako na roon. I’ve earned enough experience in the Philippines and in here for the past years. Alam kong magkakaroon ako ng trabaho sa Pinas.”
Tumango naman ito. Dahil hindi naman traffic ay maaga kaming nakarating sa airport. Maraming tao sa paligid kaya mahigpit kong ibinilin sa yaya ni Vincent na huwag niya itong bibitawan. Iniwan namin sila ni Ismael para kumuha ng ticket sa counter. Nang bumalik kami sa puwesto namin ay umiiyak na lumapit sa akin ang yaya ni Archer.
Kumunot ang noo ko at agad binundol ng kaba ang aking d****b nang agad na ma-realize kung ano ang nangyari.
“Ma’am Ira, sandali lang po talaga akong bumitaw sa kaniya dahil nanghihingi siya ng pagkain. Hindi ko naman po alam na…”
Hinawakan ko ang balikat ng yaya.
“Shhh. Stop crying. Wala namang may gustong mangyari ang bagay na ito. Mas mabuti kung maghahanap tayo agad sa paligid. I’m sure hindi pa nakakalayo ang anak ko.” I said calmly.
I had to be calm in times like this. Hindi naman makakatulong kung magagalit pa ako sa yaya ng anak ko. I instructed my brother and my son’s nanny to separate place. Mas makabubuti kung sa iba-ibang lugar kami ng airport maghahanap. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Habang tumatakbo ako sa paligid ay pakiramdam ko maiiyak na ako.
Kung kailan naman pauwi na kami ng Pilipinas, saka pa ito nangyari.
“Mommy!”
Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ang pamilyar na boses ng anak ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang anak kong nakangiting kumakaway sa akin. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa kaniya ngunit nang mag-angat ako nang tingin sa taong may hawak sa kaniyang kamay ay bigla akong napahinto sa aking kinatatayuan at ilang beses na napalunok ng aking sariling laway.
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan. Nang makita niya rin ako ay bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Of all places, bakit dito pa kami nagkitang muli?
It took him minutes to finally walk towards me.
“Long time no see, Ira.”
Hindi ko alam kung ngingiti ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang umakto nang normal sa harapan niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Mommy, this man helped me when I was lost.”
Nakahawak pa rin ang anak ko sa kamay ni Sandro. Seeing them together in proximity, hindi maipagkakailang mag-ama silang dalawa. Pilit na ngumiti ako kay Sandro at saka marahang kinuha sa kaniya si Archer.
“Thank you, Sandro.”
He didn’t respond. Nakatitig lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyong ng aking mukha. Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa aking anak na matamang nakatingin kay Sandro. Archer is smiling from ear to ear.
Kinalabit ako ng anak ko at sinenyasang umupo ako dahil may sasabihin siya. Bahagya naman akong yumuko at inilapit ko ang aking mukha sa anak ko.
“He looks familiar, Mommy.”
Sandali akong bumaling kay Sandro na alam kong nakikinig sa amin ng anak ko. Alanganin akong ngumiti kay Archer at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi.
“How so? Ngayon mo lang siya nakita hindi ba?”
From that exact moment, wala akong ibang gustong gawin kundi umalis sa harapan ni Sandro.
“No, Mommy. This is not the first time I saw him. I saw his picture on your phone.”
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sandro. And with that, mabilis kong hinawakan ang kamay ng anak ko at hinila siya palayo kay Sandro.
Ngunit nakakailang hakbang palang kami nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Kumabog nang malakas ang d****b ko nang makitang si Alex iyon.
Pero agad siyang umupo para mapantayan si Archer. That’s when I realized that it wasn’t me he wants to talk with.
“You saw me on your mom’s phone?”
Ngumiti ang anak ko at paulit-ulit na tumango.
“Yeah, and you know what…” huminto ang anak ko sa pagsasalita at tumingin sa akin.
“Mommy, he really looks Daddy, isn’t he?”
Sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang na maglaho. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Sandro sa kaniyang narinig.
“Ira…”
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sandro. Umiwas ako nang tingin sa kaniya.
“Is that true?” seryosong tanong niya sa akin.
Seryoso at mabibigat ang kaniyang titig sa akin. Kahit na nahihirapan at kinakabahan, pilit kong sinalubong ang kaniyang mga tingin. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga at sa naglakas loob na sagutin ang tanong niya.
“Hindi. Archer’s Dad isn’t you.” I said in a firm voice.
Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong tumalikod habang hawak ang kamay ng anak ko.
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen