Senyorita
Nang malaman ni Alessandra Rivera na baon sa utang ang pamilya niya, isang bagay lang ang nasa isip niya, paano sila makakaligtas?
Hanggang sa may isang lalaking nag-alok na bayaran ang lahat at ang kapalit? Walang iba kundi ang sarili niya.
Si Patrick Blackwood ang pinakamayabang, pinakamalamig, at pinakadelikadong CEO na nakilala niya. At sa isang iglap, inalok siya nito ng isang kasal na parang business deal lang, isang taon na pagsasama kapalit ng lahat ng utang ng pamilya niya.
Simple lang naman yon, magpapanggap siyang asawa nito, susunod sa rules nito, at pagkatapos ng isang taon ay malaya na siya.
Pero paano kung ang lalaking pinangakuan niyang hindi mamahalin ay siya palang lalaking unti-unting kumukuha ng puso niya? At paano kung matuklasan niyang hindi naman talaga pera ang dahilan kung bakit siya pinili ni Patrick?
Dahil bago pa man niya mapirmahan ang kontrata, matagal na pala siyang pagmamay-ari nito.
247