Phoebe Ysabelle
"My patience is paid by money. So if the pay is right, I keep my patience."
Matapos malugi ang negosyo ng kaniyang pamilya dahil sa pandemya, desperado na si Isabelle "Isa" Diaz na makahanap ng trabaho. Kaya naman nang marinig niyang nag-walkout ang sekretarya ng kilalang "Ice King ng Ortigas," hindi na siya nag-atubili. May sapat siyang degree at karanasan—sisiw sa kaniya ang gawaing opisina.
Ngunit ang hindi niya alam, ang bagong kumpanyang kaniyang pinasukan ay pagmamay-ari pala ng kaniyang matagal nang kinamumuhian.
Si Ethan Velez—ang kaniyang kababata, ang kaniyang mortal na kaaway, at ngayon... ang kaniyang magiging arogante at napakasungit na CEO.
Para kay Ethan, isang transaction lang ang lahat. Kailangan niyang magpakasal bago ang kaniyang ika-28 na kaarawan upang makuha ang kaniyang buong mana sa Velez Group. At dahil gipit ang pamilya ni Isa, gagamitin niya ang isang lumang kasunduan ng kanilang mga magulang upang pilitin itong magpakasal sa kaniya kapalit ng kaligtasan ng mga Diaz.
"Huwag kang umasa na magiging totoong mag-asawa tayo, Isabelle. At higit sa lahat... huwag na huwag kang aasa na mamahalin kita."
Isang kasunduan sa ibabaw ng lamesa. Isang kasal na walang pag-ibig. Kaya bang tiisin ni Isa ang ugali ng kaniyang 'Childhood Enemy' kung ang kapalit nito ay ang kaligtasan ng kaniyang pamilya? O baka naman sa likod ng kontrata at bangayan, may luma palang damdamin na muling magigising?
223