Nepthalie
"Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip na pakasalan ako dahil kahawig ko ang babaeng tunay nitong mahal.”
Tatlong taon na kasal si Clara kay Adrian Monteverde, umaasang balang araw ay matutunan din siyang mahalin nito.
Pero isang gabi, natuklasan niyang may ibang babae si Adrian—buntis ito at higit sa lahat, kamukha niya.
Doon niya napagtanto ang masakit na katotohanan: baka pinakasalan lamang siya ni Adrian dahil kahawig niya ang babaeng tunay nitong mahal.
Kaya pinili ni Clara na wakasan ang kanilang kasal at humingi ng tulong kay Nathaniel Reyes, isang mahusay na abogado at matagal nang kaibigan ng kanyang kuya.
Ngunit habang unti-unting lumalapit si Clara kay Nathaniel, saka naman nagsimulang magselos at maging possessive si Adrian.
Akala ni Clara, ayaw lang siyang pakawalan ni Adrian dahil asawa siya nito at malaking pera ang nakataya sa kanilang paghihiwalay.
Hanggang sa mabunyag ang katotohanan na matagal na pala siyang mahal ni Adrian.
Pinili lamang ni Adrian na ilayo ang sarili kay Clara dahil sa isang lihim ng kanilang mga pamilya na maaaring maglagay sa kanya sa panganib.
Ngunit ngayong handa na siyang ipaglaban at bawiin ang asawa, baka huli na ang lahat.
Dahil habang abala si Adrian sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman, unti-unti namang nahulog ang loob ni Clara kay Nathaniel.
Ngayong desperado nang bawiin ni Adrian si Clara at handa na niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman dito. May puwang pa kaya para sa kanya sa puso nito? O baka huli na ang lahat?
185