LiaCollargaSiyosa
Palipad na sana papunta sa ibang bansa si Twyla para mag-guest sa isang sikat na app game event nang biglang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, masuwerte siyang nakaligtas at napadpad sa isang liblib na isla.
Halos maiyak sa tuwa si Twyla nang mapagtantong buhay pa siya. Pero mas lalo siyang nagulat nang makakita ng isa pang survivor na nakahandusay sa buhangin at tila humihinga pa. Agad niya itong nilapitan at sinubukang alamin kung sino ang taong iyon, ngunit nang makita niya ang mukha nito, tila biglang huminto ang mundo ni Twyla.
Si Kentaro.
Sa dinami-rami ng lalaking puwede niyang makasamang ma-stranded sa islang iyon, ang lalaki pa talaga na minsan na niyang nasaktan, limang taon na ang nakalipas.
Limang taon na ang lumipas, pero paano kung ang tadhanang minsan na niyang tinakasan ay siya ring magkukulong sa kanila sa iisang isla?
At kung mabigyan sila ng pagkakataong harapin ang nakaraan, kaya ba nilang iligtas ang isa’t isa o muli lang nilang dudurugin ang puso ng bawat isa?
598