Chang Go
Sa loob ng sampung taon, itinago ni Allan Santos ang tunay na pagkatao ni Jane Vasquez—ang babaeng pinakasalan niya matapos itong mabuntis.
Para sa pamilya ni Allan, isa lamang si Jane sa mga babaeng naghahanap ng pagkakataong makapangasawa ng mayaman. Nakilala niya si Allan sa isang bar kung saan nagtatrabaho siya tuwing gabi. Hindi nila alam na sa umaga, isa siyang respetadong propesyonal at dating Chief Technology Officer (CTO) ng Aurelion Technologies International, isang kilalang kumpanya sa larangan ng teknolohiya at artificial intelligence.
Nagtatrabaho si Jane sa bar hindi dahil wala siyang ibang kakayahan, kundi dahil kailangan niyang makalikom ng pera para sa operasyon ng kaniyang ina. Ngunit nang mabuntis siya at pakasalan ni Allan, iniwan niya ang kaniyang mataas na posisyon upang italaga ang sarili sa kaniyang pamilya.
Para sa kanila, isa siyang babaeng mapagsamantala. Para sa kaniyang biyenan, hindi siya karapat-dapat sa kanilang pamilya. Ngunit ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi lamang ang pangmamaliit sa kaniya. Kundi ang araw na nalaman niyang ikakasal ang sarili niyang asawa sa dating secretary ng kanyang asawa na si Alexa Cruz.
Sa araw ng kasal, sa harap ng mga panauhin at ng pamilyang minsang ipinaglaban niya, tuluyan nang gumuho ang mundong binuo ni Jane. Sa halip na humingi ng tawad, itinaboy siya ni Allan. Maging ang sarili niyang anak ay pinili ang babaeng papalit sa kaniya.
Pagkatapos ng sampung taon ng pagtitiis at pagsasakripisyo, tuluyan siyang lumayo sa lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya. Ngunit hindi alam ni Allan na ang babaeng itinuring niyang pabigat ay ang mismong propesyonal na kailangan ng kaniyang kumpanya. Hindi niya alam na ang dating CTO na matagal nang hinahanap ng Aurelion Technologies International ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa.
151