AISOLEREN WP
Lumaki si Rosanna Ysabelle Cortez na masayahin, matalino, at pinalaking may pagmamahal ng kanyang pamilya. Sanay siya sa marangyang buhay, ngunit nananatiling mapagkumbaba at handang ipaglaban ang mga taong mahal niya. Isa lang ang hindi niya kailanman nagawang patawarin—si Leandro Oliver Montemayor, ang lalaking minsang humamak sa kanya at nag-iwan ng sugat na hindi niya nalimutan.
Para kay Leandro, spoiled at walang kwenta lang si Rosanna. Ngunit nang subukan niyang lapitan ito bilang bahagi ng isang laro, hindi niya inaasahang siya mismo ang unti-unting mahuhulog. Sa mundong puno ng kapangyarihan, panganib, at madidilim na lihim, ang simpleng galit ay nauwi sa mapanganib na pag-ibig.
Ngunit sa mafia, ang pagmamahal ay may kapalit. At kapag tinawag ka ng isang Mafia Lord na "Mine," wala nang paraan para makatakas pero para kay Rosan ay meron paraan iyon ay wala siyang pakialam.
162