Cyrille Shatire29
“Your family made you feel unwanted, Evangeline. But remember this: you are my wife. And in my world, nobody has the right to make you feel worthless.”
********
Evangeline Yuchengco was only sixteen when fate cruelly took everything from her. She lost her mother in a car accident while shielding her in order to save her and keep her alive.
Hindi naging madali sa kanya ang lahat... ngunit sa kabila ng nangyari ay pinilit niyang maging matatag. Lalo na nang muling nag-asawa ang kanyang ama.
Akala ni Evangeline, sa wakas ay magkakaroon na siya ng pamilyang muling magmamahal at tatanggap sa kanya. Ngunit nagkamali siya.
Sa bawat araw na lumilipas ay lalong naging malupit sa kanya ang kanyang madrasta at stepsister. Itinuring siyang pabigat, niyurakan ang kanyang pagkatao, at inagaw maging ang lalaking tanging minahal niya. Tinalikuran siya nito at pinili ang kanyang stepsister.
Nang dumating ang araw na dapat sanang ipakasal ang kanyang stepsister sa isang kilalang Mafia Lord, tumanggi ang kanyang madrasta na isakripisyo ang sariling anak sa isang lalaking kinatatakutan ng buong mundo. Kaya si Evangeline ang sumalo at siya ang ipinakasal kay Konstantin Morozov
Isang lalaking kilala sa pagiging walang awa, malamig, mapagmataas, at puno ng kasakiman. Isang Mafia Lord na kayang tumapos ng buhay nang walang pag-aalinlangan.
Akala ni Evangeline panibagong impiyerno na naman ang naghihintay sa kanya.
Ngunit kabaliktaran ang nangyari. At hindi nito ginawa ang mga bagay na iniisip niya.
Dahil imbes ma ignorahin siya ay ipinaramdam nito sa kanya na kamahal-mahal siya. Tinuran siya nitong mahalin ang kanyang sarilin. At maging ang kanyang insekyuridad ay tinanggap at minahal ni Konstantin ng buong puso.
At kailanman ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na pabigat siya.
She was unwanted by the family she called her own, but cherished by the man the entire world feared.
31