Rosy Vixen
Si Mara Villanueva ay isang masipag na brand strategist sa Luntian Loop, isang shiring risibg tech and lifestyle company sa Maynila. Bilang breadwinner, kailangan niyang doble kayod para sa dialysis ng kanyang ina at pag-aaral ng kanyang kapatid. Sa opisina, kasama niya
ang mga kaibigang sina Bea, Nico, Sam, at Paolo, mga kaibigang itinuturing niyang pamilya.
Isang Lunes, bigla siyang na promote bilang Associate Head of Consumer Growth. Dapat sana
itong maging reward sa kanyang pagsisikap, ngunit kasabay ng promotion ay ang pagkawala ng files ng Project Habi at isang report na maaaring mag cause ng downfall ng kumpanya.
Mas lumala ang sitwasyon nang bumalik si Adrian Lim, ang cold hearted heir ng Luthian Loop, bilang Interim Chief Strategy Officer.
Palaging nagtatalo sina Mara at Adrian tungkol sa ethics, credit, at corporate decisions. Ngunit
habang nagtutulungan sila sa Project Habi, ang kanilang conflict ay unti-unting nagiging
attraction. Sa kabila ng growing feelings, hindi makapagtiwala si Mara dahil bahagi si Adrian ng
pamilyang maaaring sumira sa kanyang karera.
Habang iniimbestigahan nila ang lumang data breach, natuklasan ni Mara na may
nagmamanipula sa promotion system, nagnanakaw ng confidential files, at gumagamit ng
kanyang account upang siya ang gawing scapegoat. Mas masakit, isa sa kanyang mga kaibigan ang kasabwat.
Sa bawat meeting, kailangang piliin ni Mara kung sino ang paniniwalaan bago tuluyang mawala
ang kanyang pangalan.
Nang mabunyag ang Project Orchid, nalaman ni Mara na ang kanyang ina ang tunay na
gumawa ng technology na inangkin ng Luntian Loop. Ang promotion niya ay isang bitag para
mapirmahan niya ang legal waiver ng kumpanya.
Kailangang pumili ni Adrian, pamilya o ang katotohanan. Sa huli, ilalantad nila ang mga sabwatan, haharapin ang sumira sa kanila, at magsisimulang mula hindi bilang boss and employee relationsip,kundi bilang dalawang taong piniling ipaglaban ang isa’t isa.
63