Wildrooster
Hindi ko siya ipinakulong.
Mas gusto kong makita siyang unti-unting masira.
Ako si Keith Ayala...ang pinakabatang billionaire sa bansa. Tatlong taon kong pinaniwalaan na si Ayesha Jimenez ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid kong si Kiara. Siya ang huling nakita sa CCTV. Siya ang witness na hindi sumipot. Siya ang babaeng akala kong ipinagpalit ang buhay ng kapatid ko kapalit ng pera.
Kaya nang muling magkita kami, ginawa ko siyang personal maid sa sarili kong mansion.
Araw-araw ko siyang pinarusahan.
Araw-araw ko siyang pinaniwalang wala siyang halaga.
Pero habang hinihintay kong makita ang babaeng kinamumuhian ko...
Ibang Ayesha ang nakilala ko.
Tahimik.
Matapang.
At kahit ako ang sumisira sa kanya, siya pa rin ang unang tumatakbo kapag ako ang nasasaktan.
Hanggang sa isang katotohanang bumaligtad sa buong mundo ko.
Hindi pala siya ang pumatay sa kapatid ko.
Siya pala ang unang sumubok iligtas ito.
Siya ang totoong biktima.
At ako...
Ako ang naging halimaw sa babaeng walang ibang ginawa kundi magsakripisyo.
Ngayon, handa kong isuko ang kumpanya, ang pangalan, at ang buong kayamanan ko para lang humingi ng tawad.
Pero paano kung huli na?
Paano kung ang babaeng sinira ko ay hindi na kayang mahalin ang lalaking sumira sa kanya?
Habang hinahabol kami ng isang makapangyarihang syndicate na kayang burahin ang pagkatao ng kahit sino, iisa lang ang alam ko...
Hindi na paghihiganti ang obsession ko.
Si Ayesha na.
At kung kailangan kong mamatay para mabawi ang isang pusong ako mismo ang dumurog...
Gagawin ko.
Dahil ang pinakamabigat na parusa sa isang lalaking katulad ko ay hindi ang mawalan ng bilyon.
Kundi ang mabuhay habang alam mong ang babaeng pinakamamahal mo... pinatawad ka na, pero hindi ka na muling mamahalin.
1.1K