Diane Ruiz
Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ni Trisha. Ngunit sa halip na saya, matinding takot ang bumalot sa kanya—dahil hindi ang bago niyang asawa ang ama ng batang nasa sinapupunan niya, kundi ang stepbrother nito!
Akala ni Trisha ay nahanap na niya ang wagas na pag-ibig kay Alex. Nagtanan sila at nagsumpaan ng wagas na pag-ibig. Ngunit sa mismong ikalimang anibersaryo ng kanilang kasal, nadiskubre niyang tatlong taon na pala siyang niloloko nito. Dala ng labis na sakit at nasirang tiwala, walang pag-aalinlangang pinirmahan niya ang divorce papers na inilatag nito at lumayo.
Upang makabangon at maipaghanti ang nawasak na puso, tinanggap niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang—ang ipakasal siya sa isang makapangyarihang business tycoon na si Tristan Hernandez.
Isang linggo pagkatapos ng kanilang kasal, dalawang malaking bomba ang sumabog sa buhay ni Trisha: Buntis siya sa kanyang ex-husband, at ang bago niyang asawa ay stepbrother ng lalaking sumira sa kanya!
Sa gitna ng galit, paghihiganti, at sikretong pwedeng sumira sa lahat… matatakpan ba ng panibagong kasalanan ang lumang pagtataksil? O ang sanggol sa kanyang tiyan ang magiging daan sa mas matinding pagkawasak?
119