From Maid to Billionaire's Wife
"Bakit ganyan ka makatingin? Nagaguwapuhan ka sa akin, 'no? Pasensya ka na, hindi ko type ang mga mukhang tsinelas! Muchacha!" matalas, puno ng pang-uuyam at pangmamata ang sabi ni Angelo habang matamang nakatingin kay Jamilla.
Bilang isang babaeng hindi basta nagpapatalo, agad naman siyang sumagot.
"Excuse me. Una sa lahat, hindi ikaw ang boss ko. Pangalawa, ordinaryo laang ang hitsura mo. Sa amin sa Batangas, mas marami pang mas pogi kaysa sa'yo, kaya huwag kang masyadong mayabang. Hindi kita type. Sa ganda kong ito at sa bata kong edad, bakit naman ako magkakagusto sa matandang katulad mo?"
Napatiim ang panga ni Angelo. Kaagad niyang inilabas ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang ina.
"Ma, ihanda mo na ang lahat. Pakakasalan ko na ang malditang Batangueña na 'to!"
Nanlaki ang mga mata ni Jamilla sa kanyang narinig.
Paano niya pakikisamahan ang isang playboy na ubod ng yabang at masama ang ugali?
Nakangising tumayo si Angelo, saka lumapit sa kanya at bumulong.
"You will regret crossing my path. I will make your life miserable."
Bago pa siya makalayo, mabilis na hinila ni Jamilla ang kanyang tainga.
"Ouch!"
"Hoy! Kung hindi ka nakastigo ng nanay mo noon, sisiguraduhin kong makakatikim ka ng asbar sa akin kapag nagpatuloy ka sa pagiging ulaga!"
Paano magkakasundo ang dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo?
May pag-asa pa kayang magtagpo ang kanilang mga puso, kahit sa ngayon ay kapwa nila iniisip na hindi sila itinadhana para sa isa't isa?