Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.867.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.863.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.935.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night With the Wrong Man

A Night With the Wrong Man

Loreigna Miguel, anak ng isang business tycoon. Laki sa luho at nakukuha lagi ang gusto—well except sa puso ng lalaking nagugustuhan niya. Mula mag-dalaga ay naging pantasya niya ang barkada ng kanyang kuya na si Dr. Lance Valdez, isang veterinary. Kaya kahit wala siyang hilig sa pet ay kumuha siya ng alagang aso, para may dahilan siya sa madalas na pagpunta sa clinic ni Lance. Ngunit kahit nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin hindi talaga tinatablan ito sa kanya. Batang kapatid lamang ang tingin sa kanya ng binata. Kung kaya naman sa labis na pagkagusto dito ay gagawa siya ng desperadang hakbang upang maangkin ang lalake, Pipikutin niya ito! Plinano niya ng maayos ang gagawin niya at kung kailan feeling niya ay successful ang ginawa-nagkamhali siya. Dahil sa halip na ang lalakeng pantasya ang makikita kinaumagahan. Si Bjorn, ang lalakeng labis na kinakainisan niya ang bumungad sa kanyang tabi. She made the biggest mistake in her life. She spend the night with the wrong man.
Romance
1080.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Heiress of Fire

Heiress of Fire

Nakilala ni Olive si Gregor sa isla ng El Nido habang kasama ang mga kaibigan. She introduced herself as Martina para maitago ang totoo niyang pangalan at katayuan sa buhay. But at that same night, naipagkaloob niya ang sarili dahil lang sa matinding atraksyon. Hindi natapos ang bakasyong iyon ay sinundo na siya ng pinsang si Anthony, without even saying goodbye to Gregor. More than a week later, natuklasan niyang si Gregor din ang mayari ng lupang balak bilhin ng pamilya. At kung gaano niya hiniling na mahalin siya ni Gregor hindi dahil sa yaman niya, ay siya ring dahilan ni Gregor para layuan siya. Gregor does not want her because she is rich. Pero bakit tila siya isang gamo gamong lumalapit sa apoy kahit pa mapaso? May lugar ba ang pagibig sa gitna ng pagbabalatkayo?
Romance
9.961.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.360.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Heir

Hiding The Billionaire's Heir

Jandie Mendoza is just a simple citizen, but who would have thought that her quiet life would be so disturbed? Pumunta s'yang ospital upang magpacheck up sa irregular niyang regla ngunit sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang linggo ay magsusuka ito sa kadahilanan na nagdadalang tao siya. Sa muli niyang pagbalik sa ospital ay napag-alaman n'ya na maling doktor ang pumasok sa silid na inu-ukupa niya noon at aksidenteng nai-inject sa kanya ang semilya ng isang bilyonaryo. Mas lalo pa nga siyang nalugmok nang nakilala niya ang lalaking nagmamay-ari ng semilya na itinurok sa kanya; Achetbir Villa Forca—ang dati niyang nobyo. Paano niya haharapin ang lahat ng larong ibinigay sa kanya ng tadhana?
Romance
1080.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Dangerous Man Weakness

The Dangerous Man Weakness

Dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ni Salome sa nakababatang kapatid ay pumayag siya sa kagustuhan ng kapatid na sumunod sa syudad na pinagtatrabahuan nito. Ngunit hindi niya alam na balak siya nitong gawing pambayad sa utang. Huli na ang lahat nang matagpuan niya ang sarili sa kama kasama ang gwapong estranghero. At si Treous Elagrue na isang kilalang walang puso at makapangyarihan sa mundo ng mga mafia ang siyang nakauna sa kaniya at sapilitang umangkin sa kaniya. Ngunit hindi niya aakalaing magbubunga ang kababuyan na ginawa nito sa kaniya. Dahil sa takot ay itinago niya ang bata at pinalaki itong mag-isa. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil nalaman ni Treous ang tungkol sa bata at ngayo'y sapilitan itong kinuha ng lalaki sa kaniya. Ngunit gagawin ni Salome ang lahat upang mabawi lamang ang anak. Kahit pa ibaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ni Treous.
Romance
1066.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia King's Wife

The Mafia King's Wife

Si Devon Donovan ay isang Mafia King at CEO ng Donovan Industry. Kilala siya bilang demonyo at hindi naging interesado sa babae. Ngunit nahulog ito sa isang babae na mukhang anghel, walang iba kung hindi si Seraphina Laurier. Ano na lang ang gagawin ni Devon, kung may nangyaring masama sa kanyang anghel? Magawa kaya niya itong protektahan o mawala ang taong nagbigay liwanag sa madilim niyang buhay?
Romance
1094.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Chased By My Zillionaire Ex-Husband

Chased By My Zillionaire Ex-Husband

Tila tumigil ang mundo ni Amery dela Cerna nang ihain ng kanyang asawang si Brandon Ricafort sa kanyang harapan ang divorce papers. Masakit sa kanyang isipin na sa kabila ng pagiging mapagmahal at mabuting maybahay, hindi pala iyon sapat upang matutuhan siyang mahalin ng kanyang asawa. Bitbit ang natitirang dignidad, umalis siya sa kanilang tahanan matapos pirmahan ang mga papeles na magtatapos sa kanilang relasyon. Sa pagsisimula ng panibagong yugto sa kanyang buhay, ibabalik niya ang kanyang sarili bilang si Avrielle Madrigal, ang bunsong tagapagmana ng Madrigal clan na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Maayos na sana ang lahat ngunit tila binibiro siya ng tadhana... Ang dati niyang asawa na tinutulak siyang palayo noon, ngayon nama'y pilit siyang hinahabol-habol. Ano kaya ang gagawin ni Avrielle? Itataboy ba niyang palayo si Brandon, oh susunduin ang utos ng kanyang puso na magpahabol dito?
Romance
1060.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status