Bound To My Boss
Samantha's Point of View
Hindi ko maitago ang aking pagkamangha nang tuluyan na kaming makapasok sa hacienda. Masarap tingnan ang mga puno ng niyog na nakalinya sa magkabilang bahagi ng kalsada. Ang bawat puno ay may eksakto at pare-parehong distansya, bagay na nagustuhuhan ko dahil hindi ito makalat tingnan. Sa tapat naman ng mga niyog ay may puting bakod na hanggang baywang ang taas. Nakapaloob sa bakod ang mga mayayabong, ngunit hindi katangkaran na puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Katulad ng puno ng niyog, ang mga mangga ay may pareho ring distansiya sa pagitan ng bawat isa. Mayroon ding mga baka roon na malayang nakakakilos.
ตอนยอดนิยม