Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Walking Disaster

Walking Disaster

Sept
Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?
1.2K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as ang kalupi
Read
+Library
Governor Ignacio is my Daughter's Substitute Daddy

Governor Ignacio is my Daughter's Substitute Daddy

Tahimik ang buhay ni Isabella Monteverde, isa lang siyang simpleng babae at abala siya sa trabaho niya sa isang malaking hotel. Pero isang gabi ang sumira sa katahimikang iyon, dahil nagising na lang siya sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Sa sobrang takot ay agad niyang iniwan ang lalaki sa silid na iyon. Pagkalipas ng ilang linggo ay nalaman niya na nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa, kaya sa sobrang takot niya ay nag-resign siya sa hotel na pinagtatrabahuhan niya at mag-isang pinalaki ang kanyang anak. Ang hindi niya alam, sa probinsyang kanyang nilipatan, ang lalaking nakabuntis sa kanya ay ang gobernador ng probinsya. Sa loob ng walong taon, mag-isa niyang pinalaki ang kanyang anak pero isang insidente ang tumulak sa kanya para magmakaawa sa gobernador para iligtas ang kanyang anak. Hindi siya nakilala ni Governor Ignacio, pero pumayag itong tulungan siya. Nang mailigtas ang kanyang anak, dahil sa sobrang trauma ng bata ay inakala nito na ang kanyang ama ay ang gobernador na nagligtas sa kanya. Nanatiling hindi sinasabi ni Isabella na ang totoong ama ng kanyang anak ay ang gobernador mismo. Para paluguran ang bata ay napagdesisyunan nila na ito ang magiging substitute daddy ng bata, kapalit nito ay siya ang ipapakilalang babae na matagal nang hinahanap ni Governor Ignacio.
31 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as ang kalupi
Read
+Library
Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

Indayog sa Gabi (SSPG R-18+)

"Isang milyon kapalit ng isang sayaw. Isang kontratang nakatali ang puso at katawan niya." Para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina, walang pag-aatubiling ibinenta ni Kikay ang sarili bilang isang high-class entertainer sa Crimson Cloud Nine. Ang nakabili sa kaniya? Isang misteryoso, makapangyarihan, at malupit na 'VIP'. Pero ang tunay na bangungot ay nagsimula nang dumating ang lalaking inatasan ng VIP para maging 'handler' niya. Si Rhamesis Wilton. Ang bilyonaryong CEO. Ang lalaking nandurog sa puso niya limang taon na ang nakararaan. "You think he owns you now, Kikay?" paos at mariin nitong bulong habang kinukulong siya sa dilim, ang mainit nitong hininga ay sumusunog sa kaniyang balat. "He only bought your contract. Pero ako... ako ang magpapasunod sa katawan mo." Akala ni Kikay, kaya niyang tiisin ang bawat mapanuksong haplos at agresibong pag-indayog ni Rhamesis para sa perang kailangan niya. Wala siyang kaalam-alam na sa likod ng mapanganib na laro ng poot at pagnanasa, ang lalaking pilit siyang inaangkin ay ang mismong demonyong may hawak ng kaniyang kontrata. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga balat, sino ang unang bibigay? Ang babaeng pilit isinisigaw na pera lang ang habol niya... o ang lalaking handang sunugin ang buong mundo makuha lang siyang muli?
106.2K viewsOngoingAdded to Library 223 Times as ang kalupi
Read
+Library
Cleopatra's Choice

Cleopatra's Choice

Lumaki si Cleopatra na nakatatak na sa isip niyang si Primo ang lalaking para sa kan'ya. Ang lalaking pakakasalan niya ngunit paano kung biglang magbago ang ikot ng mundo? Paano kung malaman niya ang itinatago nitong sikreto? Matutupad pa kaya ang nais niyang maging bride nito? Paano kung ang safest choice niya ay hindi naman ang totoong tinutibok ng puso niya? Sino nga ba ang pipiliin niya, ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya o ang bestfriend nitong laging andiyan para sa kaniya?
109.0K viewsCompletedAdded to Library 359 Times as ang kalupi
Read
+Library
Boss ni Ate

Boss ni Ate

Isayahh
BABALA: Ang kwentong ito ay maaaring hindi pasok sa panlasa ng lahat. Nagkakaloob ang kwentong ito nang hindi maganda sa mata ng karamihan. Marami man ang may ayaw ngunit hindi iyon sapat para limitahan mo ang iyong pang-unawa. Xara Padel, ang babaeng madalas tinutokso dahil sa mala-anime nitong katawan, malaki ang hinaharap at puwetan, mahaba ang itim na itim na buhok, mapupungay na mga mata, makinis na balat, at malaanghel na mukha. Madalas niyang naririnig ang 'Yamate kudasai' na tokso sa kanya ngunit tikom lamang ang kanyang bibig at hindi na pinapatulan ang mga ito. Sa likod ng maamo niyang mukha ay ang kuryusidad niya sa maka-mundong pagnanasa. Nagkamalay siyang nakikinig sa mga pinaggagawa ng Ate niya kasama ang kung sinong lalaki nito sa kwarto ngunit nagbago ang lahat nang matagpuan ang Boss ng Ate niya…
9.58.6K viewsOngoingAdded to Library 282 Times as ang kalupi
Read
+Library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
1012.6K viewsOngoingAdded to Library 352 Times as ang kalupi
Read
+Library
The Unbothered CEO Falls In Love

The Unbothered CEO Falls In Love

Para gumaling ang sakit ng kapatid, ibinigay niya ang sarili sa isang kakaibang lalaki. Makalipas ang isang taon, sa isang party kasama ang mga kaibigan ng kanyang bagong boyfriend, idiniin siya ng lalaki sa dingding ng banyo. Ikinawit niya ang gilid ng pantalon nito gamit ang mga daliri, "Sa kama niyan noong isang taon, 68 beses mong tinawag ang pangalan ko." Ang ilan ay nasa hindi matiis na sakit, at ang ilan ay galit na galit na humihingi ng awa. "Maling tao ang nakilala mo, hindi pa kita nakikita." Si Isabella ay tumakas sa gulat at bumalik sa kahon, ngunit hinila siya ng kanyang kasintahan sa lalaki, "Ang uri ng gamot na makapagliligtas sa iyong kapatid ay magagamit lamang ni Master Nicklaus." Ibinaba niya ang kanyang postura at malungkot na nakiusap: "Master, please." Ipinasok ni Nicklaus ang sigarilyo sa kanyang bibig, kinagat ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin, na may malamig na mukha at isang malamig na puso, ngunit ang kanyang mga mata ay sumalo sa kanya at hinila siya pabalik sa kabaliwan ng gabing iyon. Ang abo ay pumasok sa kanyang nakalaylay na kwelyo, at si Isabella ay nanginginig sa init, ngunit hinawakan ni Nicklaus ang kanyang kamay at hinila siya palapit. "Marami akong gamot, ano gusto mong palitan?"
101.8K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as ang kalupi
Read
+Library
My Wife's Secret Son

My Wife's Secret Son

Isang gabi ang nagbago sa buhay ni Amara Villanueva. Matapos ang isang party, nauwi siya sa one-night stand sa isang lalaking hindi niya man lang nakilala. Kinaumagahan, umalis siya habang natutulog pa ang lalaki—at makalipas ang ilang buwan, nalaman niyang buntis siya. Pinili niyang itago ang kanyang anak at palakihin ito nang mag-isa. Tanging ang kanyang magulang at identical twin na si Althea ang nakakaalam ng kanyang lihim. Ngunit nagbago ang lahat nang biglang mawala si Althea bago ang engagement nito sa billionaire na si Ethan Reyes. Para iligtas ang reputasyon ng kanilang pamilya, napilitan si Amara na magpanggap bilang kanyang twin at pakasalan ang lalaki. Habang unti-unting nahuhulog ang puso niya kay Ethan, biglang bumalik si Althea upang tapusin ang kanyang pagpapanggap. Ngunit hindi pa rin nasasabi ni Amara ang katotohanang matagal na niyang tinatago. Dahil ang lalaking pinakasalan niya… ay siya  ama ng kanyang anak.
103.2K viewsCompletedAdded to Library 106 Times as ang kalupi
Read
+Library
The Billionaire Who Watched me Die

The Billionaire Who Watched me Die

Sa loob ng limang taon ng kasal, buong puso at kaluluwa na ibinigay ni Theariza Huston ang sarili upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Tiniis niya ang malamig na tingin ng pamilya nito, ang mga bulong sa likod ng kanyang likod, at ang sakit ng paulit-ulit na tanong—“Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang anak?” Araw-araw niyang pinilit maging perpektong asawa. Nagdasal. Umiyak nang palihim. Umasa na balang araw ay muli siyang titingnan ng kanyang asawa tulad ng dati—na may pagmamahal. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting naging malamig ang lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Hanggang dumating ang araw na tuluyan siyang sinukuan. Sa utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang ibigay ang tagapagmanang hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang babaeng iyon ang naging simula ng kanyang pinakamadilim na bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at maging ang kanyang karapatan bilang legal na asawa. At sa huli, pinatay siya ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang kwento. Nagising siyang muli… sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nanahimik. Ngunit kahit anong gawin niya, tila nakatakda pa rin ang kanyang kamatayan. Muli siyang pinatay. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na babae na umaasa sa pagmamahal ng isang lalaking hindi marunong magmahal. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magmamakaawa. Gaganti siya. Makakamit nga ba niya ang paghihiganting matagal niyang inaasam? O ang kanyang ikatlong buhay ang magiging huling pagkakataon para sa isang pagmamahal na matagal na niyang inilibing?
104.0K viewsOngoingAdded to Library 92 Times as ang kalupi
Read
+Library
EXOTIC GIRL:  ANAYA VIJAR

EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR

Apple Balboa
Paano kung ang nag-iisang taong tanging kakampi mo ay biglang nawala? Ang taong tanging tagapagtanggol mo sa mga umalipusta, nagmaliit at pinagtawanan ka dahil sa iyong maitim na kulay. Magbabalik para pagbayarin ang may sala. Gagamitin ang kakaibang kagandahan para singilin ang pamilya Capili. Ang gandang sa lugar na kinalakhan, ay pinandirihan. Gandang pinagtawanan, kinutya, minaliit at hinamak. Sa lugar kung saan ang basehan ng kagandahan ay kaputian. Hindi tanggap ang isang- EXOTIC ang kagandahan.
105.6K viewsOngoingAdded to Library 207 Times as ang kalupi
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status