Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.5107.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1015.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Best Friend's Baby

My Best Friend's Baby

Hindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila. Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila? Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?
Romance
1080.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Pseudonym
Napilitan si Claire na pakasalan si David Buenavista dahil sa mga magulang nilang pilit silang ipagkasundong ikasal. Nagkahiwalay si Claire at ang kaniyang nobyo sa kadahilanang pareho sila ng sitwasyon. Pinagkasundo rin ang nobyo nitong ikasal sa matalik nyang kaibigan na si Irene. Paano nga ba mamuhay kasama ang lalaking hindi nya pa lubos na kilala? Paano ba sila magkakasundo at makipag kilala sa isat-isa kung pareho silang hindi interesado sa isat-isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling To The Arrogant CEO

Falling To The Arrogant CEO

Isang dalagang ina si Loisa Sanchez kahit mahirap ay kinakaya niya ang lahat para maalagaan ng mabuti ang kanyang nag-iisang masakiting anak na si Loyd at maibigay din dito ang kung anumang makakapagpasaya sa bata. Mabuti na lang at nariyan ang kanyang matalik na kaibigan na laging nakasuporta sa kanya. She chose to be independent until she met Steve Monteclaro, the arrogant CEO na naging boss niya, paano kaya sila magkakasundo kung parati siya nitong sinasabunan at pinagbubuntunan ng galit?
Romance
109.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

Nasa kanya na ang lahat—pamilya, pera, kagandahan at kasikatan ngunit hindi pa rin masaya si Petunia. Ang kaisa-isang lalaki kasi na minahal niya ay piniling magpakasal sa iba, dahil likas na may mabuting puso nagparaya si Petunia. Ngunit paano kung dumating muli sa kanya ang pag-ibig? Handa pa rin ba siyang magparaya para sa iba gayong nagbunga ang isang gabing kapusukan nila ni Wregan Leath, ang matalik na kaibigan ng first love niya?
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marrying My Bestfriend's Man

Marrying My Bestfriend's Man

Ang maikasal sa lalaking kinamumuhian ng sobra at tinuturing na mortal na kaaway ay tila sisira sa katinuan ni Camilla. Ngunit kailangan niyang tuparin ang kahilingan nf matalik na kaibigan na pinagkaka utangan niya ng loob. Kahilingan sisira hindi lang sa kaniyang isip kundi pati na rin sa kaniyang mga pangarap. Ngunit mapanindigan niya kaya ang matinding inis sa lalaki kung sa kanilang pagsasama ay unti-unting mahulog ang loob niya rito? Lumambot nga kaya ang kaniyang matigas na puso sa kakaibang charm ni Damon Villaruiz?
Romance
1010.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Dare

The Dare

Nag- lalaro ang mag kakaibigan ng Truth or Dare. Hindi aakalain ni Lea Kristine, na maturo siyang mai-dare ng kaniyang mga kaibigan na halikan si Mark Samuel Montecillo. Kagustuhan ni Leah na maitawid ang Dare, kaya't pumunta siya sa silid ng binata at ginawa ang dare sakaniya. Hindi lamang isang simpleng halik ang naibigay niya dito, kundi ang kaniyang sarili sa binata. Paano kong mag-bunga ang Dare lamang na? Makakaya niya kayang harapin na maagang mabuntis, at the age of 19? Paano kong bumalik muli ang dating mahal ni Mark Samuel? Makakaya niya kayang parayain na lang ang lalaking mahal niya?
Romance
1014.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Romance
1012.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
910111213
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status