Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Dela Vega's Surrogate Wife

Dela Vega's Surrogate Wife

Ang simpleng buhay ni Lyvette Andrea Castillo ay naging masalimuot nang madukot ng isang baliw na direktor. Dahil sa matinding takot at banta sa kanyang buhay, napilitan siyang ibigay ang sarili sa isang kapwa bihag na nagngangalang Sandro Dela Vega. Mabuti na lamang at nakaligtas silang dalawa. Makalipas ang isang buwan, nabuntis si Lyv. Mula sa kanyang kapatid, napag-alaman niyang interesado ang mga Dela Vega na panagutan ang ipinagbubuntis niya. Nais ng dalawang pamilya na sila'y maikasal. Kaya lang, pareho silang mayroon nang minamahal. Dahil dito, nabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila, ipawawalang-bisa nila ang kanilang kasal pagkatapos manganak ni Lyv. Ayos na sana ang lahat, kung hindi lamang nag-iba ang plano ng tadhana. Magagawa ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan? O hahayaan ang kanilang mga sariling magpatangay sa kanilang nararamdaman?
Romance
1043.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Heist

The Billionaire Heist

Ipinadala si Annalise Guevara para kidnapin ang nagiisang oAntonios Reagan—isang kilalang bilyonaryo sa buong Asya. Ngunit isang ambush and tumapos sa plano ng grupo at nagsimula ng mas malala…na hindi niya matatakasan. Paano siya makakatakas kung buong mundo ang naniwalang asawa siya ni Antonios…at mismong lalaki pa ang ayaw siyang bitawan? Sa bawat pagdikit niya sa lalaki, unti-unting nawawala ang linya sa pagitan ng trabaho at pagnanasa. Nilulubog na siya sa makamundong mundo nito—mga mapanganib na titig, mga haplos ng kasinungalingang kumakapit sa kaniyang balat. Pumasok si Annalise sa mundo ni Antonios bilang kaaway. Pero sa kinailaliman, alam ni niyang siya ang susunod na biktima ng sariling pagnanasa. Dahil kung gustuhin man ni Antonios Reagan ang…wasakin siya. Her body might not stop him—she’ll beg him to continue.
Romance
10220 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
UNLIKELY FATE

UNLIKELY FATE

"Once you touch me, you're mine!" Yan ang mariin kong sinabi sa fiancé ng stepsister ko. Ako si Grace Cutanda, 25 years old — isang babaeng walang pakialam sa mga taong nasasaktan ko. Mas pinili kong maging matigas at walang puso dahil 'yan ang nagligtas sa akin mula sa mga mapanlinlang na tao. Nagbago ang lahat nang magpakasal ang aking dad sa isang oportunistang babae. Sa isang iglap, ang tahimik naming buhay ay napuno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Kasama niya ang anak niyang tila perpektong babae sa mata ng lahat — si Bianca. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang babaeng sanay mang-agaw at manira. Hindi siya nagdalawang-isip na ipakita kung paano siya paborito ng lahat, habang ako ang laging nasa tabi, tila isang anino. At ngayon, ang fiancé niyang si Andrew — isang successful na businessman na may mapanuksong titig at nakakapanghinang presensya — ay parang isang gantimpala na ipinagyayabang niya. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Andrew, para bang may lihim na pagnanasa at pagtataksil na bumabalot sa pagitan namin. Alam kong mali. Pero bakit tila ako ang mas nanaisin niyang piliin? At sa huling pagkakataon, binalaan ko siya. "Once you touch me, you're mine." Ngunit handa ba akong akuin ang mga magiging konsekwensya ng mga salitang binitiwan ko?
Romance
10489 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Accidentally Killed His Fiancee

Accidentally Killed His Fiancee

Gazella BubblykinBillionaireCEO
Callista Ystraella Bell is a victim of an accident frame up. Aksidente niyang nasagasaan ang isang kotse na may lulan na dalawang tao, ang driver at ang sakay nitong buntis. Kalaunan ay nalaman niyang ang babaeng namatay sa aksidente ay ang magiging asawa pala ng isang bilyonaryong nagngangalang Greyson Blast. Mapapatawad pa kaya siya nito? O gagamitan siya ng kamay na bakal at sariling batas upang mapanagot siya sa kasalanang nagawa. Maaari nga bang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Tara at tunghayan natin ang kwentong magpapatunay na mas mahalaga ang magpatawad at magpaubaya sa batas kaysa ilagay ito sa ating mga kamay.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)

The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)

Nagbago ang buhay ni Elaine Natividad ng makilala niya si Louis Montemayor — a hot and handsome mafia boss. Para mabayaran ang utang na nangyari sa pagitan ng kanilang mga magulang ay nakatakda silang ikasal. Hindi naman tumutol si Elaine dahil maganda ang pinapakita sa kanya ng binata pero bigla na lamang ito nagbago. Louis still loves his first love, and they just need to pretend and have a child to get his inheritance. And, there’s a deep reason why Elaine Natividad is entangled with the mafia organization. A use, that’s why, Louis needs her. Pipiliin niya kayang manatili sa tabi nito o aalamin niya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao?
Romance
9.639.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Just Another Heist Story

Just Another Heist Story

K.T Trinidad
Si Klarissa Salcedo ay lumaki sa Tondo. Musmos pa lamang ay pagnanakaw na ang naging hanap buhay nito. Salat sila sa pera at madalas na kumakalam ang kanilang sikmura kung kaya't laging mahigpit ang kanilang sinturon. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan ng malaman niyang mayroon siyang malala na karamdaman. Sinikap niyang maghanap ng disensteng trabaho upang tustusan ang pangangailangan nila, ngunit makikita niya ang sarili niya sa pagitan ng buhay at kamatayan, tungkulin at kalayaan, pag-ibig at pagtataksil. At nang malaman niya ang sikreto ng kanyang kasintahan, dapat niyang matutunan ang magpatawad at mahalin ang kanyang sarili bago mawala ang mga taong mahalaga sa kanya.
YA/TEEN
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
Romance
145 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10613 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status