Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1022.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Greenville: The Homecoming

Greenville: The Homecoming

It was supposed to be a joyful celebration for the homecoming of Mayor Javier's family. But, everything turned into a nightmare. Ang inaasahang gabi na puno ng kasiyahan ay napalitan ng takot at misteryo. Ang bayan na minsa'y nabalot ng kapayapaan, sa isang iglap, nabalot ng mga kagimbal-gimbal na pangyayari. Little did they know, that homecoming is not just for the Javier Family...but also for him. He's gone for a long time... He's a psycho... and now, he's back.
Mystery/Thriller
2.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
826.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Oasis of Serenity

Oasis of Serenity

justherhighness
Dionne Estella Sy was bound to only love Tyrone Salazar. At a very young age, alam na niyang ito lang ang lalaking para sa kan'ya at nararapat na para sa kan'ya. She grew up wanting love and stockpiling heartaches from people who could not reciprocate her feelings — her family. She’s thirsty for her parents' affection and always so envious of her older sister for all the attention she was getting from their parents. She’s the youngest child yet always the neglected one. She has to work hard for herself and is only able to study through scholarships despite having a wealthy background. Kaya naman ng ipagkasundo siya ng mga magulang niya at mga magulang ni Tyrone labag man sa loob niya ay mabilis siyang pumayag. Lahat kaya niyang gawin para sa pamilya niya. Handa niyang gawin ang kung ano mang gusto nila basta ang kapalit nito ay ang pagmamahal ng mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagdating niya magugulo ang lahat. Hindi niya maintindihan kung bakit unti-unting nag-iiba ang mga pangarap niya. Is he worth it of her sacrifices?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Will Never Feel Longing For You

Will Never Feel Longing For You

Naiinis si Shaun Dale kay Dahlia. Hayagan kasi ang pagkagusto nito sa kanya at kulang na lang ay haranahin siya. Para kay Dahlia ay hindi niya dapat ikahiya ang kung anumang nararamdaman niya para kay Shaun Dale. She’s in love kaya ano’ng magagawa niya kundi iparamdam at ipakita iyon. Kahit na palagi siya nitong sungitan hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman. Mas mabuti ng masabi kaysa manahimik siya sa isang tabi. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Shaun Dale nang itakda silang dalawa para magpakasal. Tuwang-tuwa naman si Dahlia. At dahil pursigido si Dahlia sa ‘panliligaw’ ay hindi na rin napigilan ni Shaun ang tablan sa taglay nitong kapilyahan. Kung kailan naman tila nahulog na siya, saka siya tinakbuhan ni Dahlia sa araw ng kasal nila at hindi na nagpakita pa. After a couple of years muli silang nagtagpo. Is he still longing for her? Iyon ang tanong niya sa sarili. Hindi dapat. Dahil kung totoo ang ipinaramdam nitong pagmamahal bakit siya nito tinakbuhan sa kasal?
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Collateral for the Billionaire

Collateral for the Billionaire

Duchess GN
Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan? Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar. Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata. Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay. Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakaraan sa kinatatayuan ni Quinton?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

"Bumalik ka na sa akin, Chantal.. pangako, walang anumang namamagitan sa amin ni Laurice.. kababata ko lang siya, isang kliyente.." nagsusumamo si Calvin kay Chantal. "Ano bang akala mo, Calvin? hiniwalayan kita ng dahil lang diyan? hindi siya ang problema, ikaw! ang pagtakas mo sa ating mga alitan at ang pag ignore mo sa akin sa tuwing nagagalit ka, ang pagiging malamig mo, iyan ang problema ko sayo! Ikaw ang nagmulat sa akin, kung gaano kapangit magpakasal, kaya ngayon, natatakot na akong magmahal!" saka nagmamadaling hinila niya ang kanyang kamay palayo sa lalaki. Nanatiling nakaluhod si Calvin. Ang kanyang malamig na emosyon ay napalitan ng lungkot.. umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa loob ng maraming taon.. ngayon lang niya ulit naranasang lumuha. Alam na niya kung saan siya nagkasala, kaya susubukan niyang bumawi, upang muling bumalik ang pagmamahal sa kanya, ng kanyang dating asawa.. Kailangan niyang lumaban, dahil may ibang lalaki na na nagpapakita ng interes dito, at mukhang tagilid ang kanyang lagay.
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

"Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4142434445
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status