Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kidnapped by my Ex

Kidnapped by my Ex

Warning: Rated SPG(R-18) Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw. Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata. Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki. Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya. Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat? “Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon. Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan. Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban. “Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong. “Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding Tyler Montero’s Triplets

Hiding Tyler Montero’s Triplets

Misha Yvonne Hernandez, hindi niya inaasahan na sa isang gabi ay mabubuntis siya hindi lang isa kun’di tatlo. Matatakot siya’t itatago ang mga bata, ngunit paano kung magtagpo na naman ang kanilang landas ng lalaking ama ng mga anak niya? Anong gagawin niya kung ayaw na siyang pakawalan pa ng lalaking nagngangalang Tyler Montero?
Romance
1091.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

TRIGGER WARNING: MATURED CONTENT Hanz and Yeisha divorced six months after getting married. Reason? Nahuli ni Hanz na nagtataksil sa kaniya si Yeisha. But, after seven years, muling nagkrus ang mga landas nila. At iyon ay sa mismong kasal ng babaeng nagkaroon ng puwang sa puso ni Hanz. Si Andrea Monte Bello. His ex-fiancee. Subalit, kahit anong iwas ang gawin ni Hanz, he always ended up being with Yeisha. Lalo na ng pakiusapan siya mismo ni Andrea na maging abogado nito. At ang hindi alam ni Hanz, sa pagsasama nilang muli ay marami siyang matutuklasang sekreto ni Yeisha; na gigimbal nang husto sa mundo niya. Makayanan kaya niya ang lahat ng iyon? Lalo na kung sa ikalawang pagkakataon ay muling tumibok ang puso niya para rito?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Darkness Within

Darkness Within

naughtyjackyy
Bilang isang anak ng Diyos ng Kadiliman, alam ni Cassy Aguilar na kailanman ay hinding-hindi niya maabot ang liwanag, na kahit na anong takbo niya ay hindi niya matatagpuan ang sarili na nabababalot ng sinag kundi purong anino at dilim lamang. At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makatakas sa tadhanang tila kadenang nagbibigkis sa kanya sa mundo ng kadiliman at kasamaan. Nais niyang makalaya. At ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang wakasan ang buhay ng sarili niyang ama, ang Diyos ng Kadiliman. Sakit. Kamatayan. Pagtataksil. Sakripisyo. Pag-ibig. Pakikipagsapalaran. Lahat ng ito ay naghihintay kay Cassy kasama ang mga taong magiging kasangga niya sa pagkamit ng kalayaang hinahangad niya at ang pagtapos sa buhay ng Diyos ng Kadiliman na matagal nang banta sa kapayapaan ng mamamayan.
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Nerdy Guy

The Nerdy Guy

Thirsty_Ara
Chloe Ramos, ang babaeng kilala bilang - worst bully. Siya ay apo ng nagmamay-ari ng Ramos University. Sa kaniyang kakaibang ugali at pagiging spoiled ay makakaharap niya ang isang nerdong lalaki. Ang lalaking nagngangalang Mathew Crawford. Isang transferees student na mabibiktima sa pam-bu-bully ni Chloe. Magagawa kayang labanan ng nerdong lalaki ang isang magandang dalagang may masamang ugali? Marami nang nabiktima sa pam-bu-bully ni Chloe, maging ang pakikitungo sa guro ay hindi niya pinapalampas. Wala mang lakas ang loob ang iba na kalabanin si Chloe pero si Mathew ay naisipang harapin ang dalaga para tumigil ito at magbago. Kukunin niya ang atensyon ng dalaga at para hindi na rin ito makapam-bully ng iba. Matalino si Chloe at laging nangunguna sa lahat ng bagay kaya naisipan niyang iyon ang gawing batayan para mas mapunta sa kaniya ang atensyon nito. Dahil sa pagtutuos nila sa mga bagay-bagay ay mas madalas silang magkasama at unti-unting nakikilala ng husto ang isa't isa. Ang nerdong lalaki ang magiging dahilan ng kaniyang pagbabago.
YA/TEEN
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?
Romance
10204 viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Yours, Doctor

Unexpectedly Yours, Doctor

One night is all it takes. Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala. Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya. Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya. Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon. Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya. Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon. Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala? O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?
Romance
10724 viewsOngoing
Read
Add to library
My Perfect boss

My Perfect boss

Leeanna89
Bata pala lamang sina Gian at Jia ay nag katagpo na ang kanilang Landas dahil sa isang aksidente na muntik na niyang ikalunod. Sa insidenteng ito nag simulang umusbong ang kanyang nararamdaman para sa batang nag ligtas ng kanyang buhay. Ang batang Gian din ang dahilan kung bakit hindi siya sumubok mag mahal kahit maraming gustong sumubok na makuha ang puso niya. Simula pagkabata niya'y natatak na sa isip at puso niya ang pangalan ng batang iyon ngunit hanggang kailan niya kayang alagaan ang kanyang damdamin kung walang kasiguraduhan na hinahanap at iniisip din siya nito. Kayanin nga kaya niyang hintayin ang batang iyon? Paano kung muling may lalaking dumating para guluhin ang puso niyang nakalaan para lamang kay Gian? Handa ba niyang tanggapin ang kasalukuyan at kalimutan nalang ang nakaraan?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status