CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR
Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya.
Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano.
Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador.
Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan.
Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing.
Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?