Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth

The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth

Anim na taon ang lumipas mula nang talikuran ni Zephyra Arcadia ang lalaking kanyang minahal—ang tahimik at prinsipyadong si Wren Deveraux—para sa mas “tamang” desisyon sa mata ng mundo. Isang kasal na may pangalan, kapangyarihan, at proteksyon. Ngunit kapalit nito ang isang buhay na puno ng pananakit, takot, at unti-unting pagguho ng sarili. Nang tuluyan niyang piliing makipaghiwalay sa lalaking sumira sa kanya, akala ni Zephyra ay sapat na ang lakas ng loob. Hindi niya inasahan na ang mas mahirap na laban ay ang harapin ang lalaking iniwan niya noon—ang lalaking ngayon ay isa nang makapangyarihang abogado na kayang pabagsakin ang sinuman… at kasama siya. Wren Deveraux—ang lalaking minahal niya, at lalaking matagal nang itinuring na patay ang pangalan niya sa puso nito. Malamig, mapanupil, at may galit na anim na taong kinikimkim. Isang lalaking hindi tumutulong nang libre, at hindi nagpapatawad basta-basta. Isang gabi. Isang silid. Isang kompromisong walang malinaw na hangganan. Habang sinusubukan ni Zephyra na buuin muli ang sarili at ipaglaban ang kalayaan niya, mas lalo naman siyang hinihila ni Wren pabalik—hindi bilang minamahal, kundi bilang isang bagay na minsan nang naging kanya. Pero sa pagitan ng galit at paghihiganti, posible pa bang mabuhay ang pagmamahal na matagal nang inilibing? O sadyang huli na ang lahat para sa ikalawang pagkakataon?
Romance
10176 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love

Ang nobela ay sumusunod sa buhay ni Zoey Claire Alonzo, isang babaeng nagdesisyong pumasok sa isang mabilisang kasal (marriage of convenience) matapos iwan ng kaniyang dating kasintahan. Ang kaniyang pinakasalan ay si Jasper Alexander Villanueva, isang mayamang CEO at ang ama ng kaniyang menor de edad na matalik na kaibigan. Ang best friend niya na si Luna Isabelle Villanueva mismo ang nagpumilit sa kasal, na nagpahayag na ang kaniyang ama ay walang kakayahan sa pag ibig at nangangailangan ng ina. Sa kabila ng cold at ascetic na reputasyon niJasper, napatunayan na kabaligtaran ang lahat matapos silang magpakasal. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at pagnanasa, nagiging dominante at mapagmahal si Jasper na nagpapabago sa kanilang convenience marriage tungo sa isang seryosong relasyon. Ang sitwasyon ay lalong gumulo dahil sa muling paglitaw ng ex boyfriend ni Zoey, si Liam Ethan Navarro, na nagdulot ng love triangle at matinding komprontasyon, lalo pa at nalaman ni Zoey na matagal na siyang iniibig ni Jasper. Ang kanilang kuwento ay puno ng init, possessiveness, at drama sa loob ng pamilyang mayayaman, na umabot sa mga pagsubok tulad ng paghihiwalay at sakit. Sa huli, pinagtibay ni Zoey at Jasper ang kanilang wagas na pag ibig, lalo na nang ipaglaban ni Zoey ang kanilang anak, na nagpapahiwatig na sila ay matatag na magsasama.
Romance
10856 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10767 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10808 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Admiring Him From Afar

Admiring Him From Afar

Mystery Girl
Natupad ang pangarap ni Rachelle na ma-interview ang man-of-the-hour ng TV broadcasting na si Carlo Dela Cruz. Matagal na niyang iniilusyon ito. Pero kalabisan nang pangarapin pa niyang maging boyfriend o asawa ito, dahil not in a million years na pag-uukulan siya nito ng espesyal na atensyon. Nakuntento na siya sa alaala ng una't huling pagkikilala nila--- hanggang sa lumabas sa internet ang litrato nilang dalawa na magkasama sa isang grand and romantic vacation sa Thailand. Alam niyang edited lamang ang naturang litrato--- ngunit nagdulot iyon ng sukdulang galit sa guwapong broadcaster. Engaged to be married na pala ito, kaya walang pakundangang kinompronta siya nito. At himala ng mga himala na lamang ang maaring magpalambot sa puso nito....
Romance
101.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF

MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF

Si Jessa Dawson–Montevial ay isang butihing may bahay na desperadang mabigyan ng anak ang kanyang mahal na asawang si Damsel Montevial. Ngunit tila kay pait sa kanya ng kapalaran dahil hindi niya magawang makapagdalang tao dulot ng paliwanag ng siyensya na siyang bumibigo sa kanyang asawa at sa kanilang araw-araw na pagsasama. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagbigay pag-asa kay Jessa kakambal niyang si Jessy Dawson nang i-alok nito ang sarili bilang maging surrogate mother. Maging tama kaya ang desisyon ni Jessa na tanggapin ang alok ng kakambal gayong alam niyang minsan na itong nagkaroon ng labis na pagtingin sa kanyang asawa? O pagsisisihan niya na lamang ito kung kailan huli na ang lahat?
Romance
1015.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
For The Love Of Fiona

For The Love Of Fiona

Tutol si Fiona sa ideya na magkaroon siya ng personal bodyguard. Hindi niya nais na may isang taong bubuntot sa kanya saan man siya magpunta. But she has no choice. Dahil sa problema sa kanilang pamilya ay napilitan siyang sang-ayunan ang nais ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lucas. She met Randall Mondejar, her bodyguard--- ang lalaking una pa lang ay masamang babae na ang tingin sa kanya. Paano niya matatagalan na makasama ang lalaking wala na yatang ginawa sa araw-araw kundi ang pakuluin ang dugo niya? Paano niya pakikisamahan ang binatang sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya ay may binubuhay na isang banyagang damdamin sa kanyang dibdib--- damdamin na tanging dito niya lamang nadarama.
Romance
1010.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Best Friend's Baby

My Best Friend's Baby

Hindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila. Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila? Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?
Romance
1083.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
9.95.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Assistant, My Secret Husband

My Assistant, My Secret Husband

Only child si Honey Jane  De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae.  Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito?  At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane  sa isang introvert na si Zacharias? 
Romance
863 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status