Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Baca
Tambahkan
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Unexpected Love

My Unexpected Love

Mr. Redeemed
Isang karaniwang empleyado si Cristine Santos sa isang kumpanya sa Makati. Bagamat siya'y ampon ay hindi siya itinuring na hindi tunay na anak ng kanyang mga magulang. Makikilala niya si Carl Montreal na anak ng kanilang CEO at mahuhulog ang loob nito sa kanya ng hindi nito namamalayan. Subalit sa kabila ng kanilang mga nararamdaman ay may mga hadlang na pipigil sa kanilang pagmamahalan. Posible nga kaya na isang babaeng lumaki sa karaniwang pamumuhay at isang lalakeng lumaki sa marangyang pamumuhay ay mahalin ang isa't-isa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hadlang? Mapagtagumpayan kaya nila ang mga pagsubok na kanilang pagdaraanan?
Romance
103.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Beg Me, Professor (TagLish)

Beg Me, Professor (TagLish)

"Good morning, sir," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa harap ng klase-si Zachary Villarreal, ang dati niyang kasintahan. Dahil sa galit para sa kanyang pamilya, bumalik si Atasha sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Amerika. Narinig niya ang tungkol sa paparating na kasal ng kanyang kapatid na babae at hindi niya ito matanggap. Hindi niya matanggap na magiging masaya ang mga taong sumira sa buhay niya—ang buhay ng hindi pa isinisilang na anak. Nais niyang mamuhay silang lahat sa parehong miserableng buhay gaya ng sa kanya. "Magmakaawa ka sa akin, Propesor, habang pinagsisilbihan mo ang aking galit," tatak niya sa kaniyang isip.
Romance
1039.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Exclusive Wife Of A Billionaire

Exclusive Wife Of A Billionaire

Hindi inakala ni Shayne Morsel na ang blind date niya ay hahantong sa ganito—isang makapangyarihan at tusong lalaki na agad na nalaman ang lihim niyang pilit tinatago mula sa gabing iyon. Matinik ang dila, sobrang arogante, at determinado siyang itali sa isang kasunduan ng kasal sa kanilang unang pagkikita pa lang. Ngunit kahit anong pagtanggi niya, hindi siya nito kayang bitawan. Siya si Eldreed Sandronal, gamit ang charm, pananakot, at likas na talento sa pagkapikon, handa siyang laruin ang matagalang laro. Pero hindi rin papayag si Shayne na matalo nang ganun-ganun lang. Kung iniisip niyang magiging sunod-sunuran siyang asawa, nagkakamali siya. Magsisimula na ang laban ng puso at kapangyarihan.
Romance
105.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Boss, My Fiancé

My Boss, My Fiancé

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo." Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na. Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama. Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?
Romance
9.1103.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Married to Mr. Sarmiento

Married to Mr. Sarmiento

Diemyourxzs
Yvonne Justice Maccini is a woman who can captured anyone by her ethereal beauty. Her elegance and generosity impresses everyone. A well-known model, ngunit dahil sa pagkaka-utang ng kaniyang ama sa pamilyang Sarmiento, naipagkasundo siyang ikasal sa anak nilang si Nicholas Yaakov Sarmiento. Isang matalino, mabait at kaakit-akit na lalaki, ito ang kapalit upang mabayaran nila ang kanilang utang. Hindi siya sa sang-ayon sa kahilingan ng ama ngunit kailangan niyang gawin ito upang hindi makulong ang pinakamamahal na ama. Kaya kahit labag sa kalooban... Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpakasal sa taong hindi naman niya nakilala't minahal. Will Yvonne regret her decision or will she stay when she finds out that she is falling in love with him?
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Revenge Plan for the Billionaire

Revenge Plan for the Billionaire

Some people always say that it's better to forgive than to plan a revenge, but for Erin Sanchez it's the other way around. It all started when Erin met Julian Benitez—guwapo, mayaman, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat ay marunong tumugtog ng gitara. Lahat na yata ng pangarap ni Erin sa isang lalaki ay natagpuan niya kay Julian. Hindi intensyon ni Erin ang mahulog sa kagaya ni Julian pero hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Isang misyon lamang ang pakay niya sa bilyonaryong si Julian ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y nahulog siya sa patibong na siya rin ang gumawa. Kaya bang isalba ng pagmamahal ang mga pangyayari sa nakaraan? O mas lalo lang nitong guguluhin ang kasalukuyan?
Romance
10219 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving The Mute Wife (Filipino)

Loving The Mute Wife (Filipino)

Weston loves to be a bachelor. Hindi rin naman kasi siya naghahanap ng babae. Ang kaso, makulit ang ina niya at gusto na siyang mag-asawa tulad ng mga kaibigan niyang may pamilya na. Hanggang sa hindi na siya tumutol sa kagustuhan nito at naisip na seryosohin na ang kasal na mangyayari. Dumating ang inaabangan niya, nakilala niya ang babaeng magiging asawa niya sa isang iglap. She's undeniably beautiful pero taliwas ito sa mga babaeng nakilala niya, tahimik at hindi siya masyadong pinapansin. Hanggang sa malaman niya ang kalagayan nito. Sa pag-usbong ng kakaibang nararamdaman ng lalaki para sa asawa. Kaya ba niya talagang sumugal? Mapalambot din kaya ni Weston ang pusong takot magtiwala?
Romance
1010.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE MAFIA'S WIFE

THE MAFIA'S WIFE

Si Elvis Ciena Costello, 25 taong gulang, ay isang mabait, matulungin, at masayahing tao. Palakaibigan siya at itinuturing na pamilya ang mga tao sa paligid niya, ngunit hindi niya inaasahan na pagtataksilan siya ng mga ito. Mayroon siyang kasintahan at limang taon na silang magkasama. Subalit, nang malaman niyang niloloko siya ng kasintahan niya, tuluyan niya itong iniwan at hindi na muling binalikan. Dahil sa sakit na naramdaman, nagpakalasing siya isang gabi at natulog sa piling ng isang lalaking hindi niya kilala. Maya-maya, nalaman niyang ang lalaking iyon ay isang lider ng mafia. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Pananagutan kaya siya ng lalaki, o basta na lang siya pakakawalan?
Romance
9.918.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status