Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
109.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Ruthless Zillionaire Contract Wife

The Ruthless Zillionaire Contract Wife

Nang mamatay ang ama ni Maureen, halos gumuho ang mundo niya. Naiwan siyang mag-isa, at kasabay nito ay ang milyong-milyong utang na hindi kayang bayaran ng kanilang bahay o negosyo. Ang madrasta niyang ubod ng sama, na tila kamag-anak ni Lucifer, ay sinisi siya sa lahat ng kamalasan. Pinagbantaan pa siya nito na kung hindi makakapangasawa ng mayaman ay papalayasin siya nito, na ikinatakot niya, dahil wala na siyang ibang matatakbuhan. Parang pinagsakluban siya ng langit ng matanggal pa siya sa trabaho. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipatawag siya ng boss niyang ubod ng lamig. Inalok siya ng kasal. “Marry me, I'll pay your debt and I'll introduce you to my family to be able to receive my heritage from them. Just contract marriage, no feelings involved, let's call it business.” Dalawa lang ang pagpipilian ni Maureen: maging palaboy o tanggapin ang alok. “Deal,” sagot niya. Kahit tatlong taon siyang magtitiis sa pagiging asawa ng boss niyang cold-hearted. Sa unang buwan ng pagiging mag‑asawa nila sa papel ay naging madali kay Maureen. Naging sekretarya siya ng boss niya at magkasama sila sa iisang bahay. Wala silang pakialaman pagdating sa trabaho; madali lang para sa kanya magpanggap bilang asawa. Ngunit habang patagal nang patagal ang relasyon nila, nagsimula nang magbago ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nagsimula na ring mag‑alala ang lalaki kay Maureen. Si Maureen ang naging dahilan kung bakit nagbago at lumambot ang naninigas nitong puso. Dumating na nga sa punto na matatapos na ang kontrata, ngunit hindi ang pagmamahal ni Maureen para sa boss niya. Nagdadalawang‑isip pa siya kung tatanggapin na ba niya sa kanyang sarili na ang boss niyang nyebe ay mahal niya na o tatapusin niya na lang ang kontrata at magsisimulang mamuhay muli na walang boss na nyebe sa kanyang buhay.
Romance
10227 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
181920212223
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status