Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
9.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
When You Were Mine

When You Were Mine

QueenVie
Buong akala ni Kamila ay natagpuan na niya ang lalaking babago ng kaniyang buhay. Ang lalaking handa siyang mahalin ng totoo at tapat. Ngunit ang inaakala niyang mala-fairytale na buhay ay naging kabaligtaran pala nang malaman niya ang lihim ng asawa. Higit pa doon ay ang ginawa nito upang taposin na nang tuluyan ang taling nagdurugtong sa kanila. Sa kaniyang pagbabalik ay sinisiguro niyang magbabayad ng malaki ang may kagagawan kung bakit nawala sa kanya ang lahat. At uunahin na niya ang asawang si Miguel Coleson Guevarra. . . Ngunit paano kung ang paghihiganti ay mauwi sa isang mainit tagpo? Magagawa pa kaya niyang lunukin ang galit at magpalamon muli sa kaniyang emosyon?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Affinity Romance with the Billionaire

My Affinity Romance with the Billionaire

Simpleng babae na may mataas na ambisyon, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. Para kay Charline Jaya, edukasyon ang maghahatid sa kan'ya sa tagumpay upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Subalit napilitan s'yang magbenta ng katawan upang magkaroon ng pangtustos sa pag-aaral. Alexander Vergara, isang gwapong bilyonaryo na kilala sa pagiging playboy. Paano magiging malalim ang kaugnayan nila sa isa't isa? At bakit ba tila pinaglalaruan sila ng tadhana? Dahil makalipas ang ilang taon ay muli silang pinagtagpo. Ngunit sa maling panahon at pagkakataon. Kung kelan handa nang talikuran ni Charline ang kahapon at yakapin ang bukas na kapiling ang lalakeng nagmahal at tinanggap ang buo n'yang pagkatao.
Romance
1034.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Coalesced Hearts

Coalesced Hearts

Kalagitnaan ng gabi lasing na lasing si Lance at pinigilan siyang umuwi ng kaibigan niya galing sa isang bar ngunit hindi siya nakinig. Habang nagmamaneho nang mabilis ay biglang tumawag ang kanyang ina, dahilan para mawalan siya ng konsentrasyon sa pagmamaneho, at tangkang mababangga sa isang kulay asul na kotse na kapwa bumubulusok din ng takbo. Mababangga na sana ang kotse niya rito nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumihis ng landas ang kasalubong niyang kotse dahilan para tumama ito sa kongkretong pader. Tinulungan ni Lance ang babaeng nagmamaneho ng asul na kotse upang dalhin sa hospital ngunit kinabukasan matapos niyang dalhin ang babae sa hospital ay bigla nalamang itong nawala ng parang bula. Walong buwan matapos ang aksidente ay muling nagkrus ang landas ng dalawa, ngunit sa pagkakataong ito ay talagang sinadya na, sapagkat ang babae na mismo ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang tauhan ng kaniyang ama. Ang mas nakapagpagulat kay Lance ay nang malaman nitong pinapahanap siya ng kanyang ama na matagal na niyang hinahangad na makita. Mas lalo siyang nasorpresa sa sinabi ng babae na siya ang misyon niya, misyon niyang dalhin siya sa bansa nilang hindi lantad sa ibang mga tao. Sa isang bansang tago at hindi kita sa globo. Isang bansang hanggang ngayon ay nananatiling sikreto.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CINDERELLA FOR RENT!

CINDERELLA FOR RENT!

Paano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal? Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan? Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval? *** Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid. Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao. Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita. They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana. Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata. A marriage for inconvenience. Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga. Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
Romance
109.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CDMI His Shrewish Secretary series 1

CDMI His Shrewish Secretary series 1

Honey was broken hearted when miss victoria saw her at the bar drinking alcohol alone.because of drunkenness,naikwento niya sa matandang dalaga ang lahat ng masasamang naranasan niya sa kanyang ex-boyfriend.her ex-boyfriend didn't physically hurt her,but the emotional pain she experienced from the man was overwhelming,that almost destroyed her human being.miss victoria offered her help,and she accepted it without hesitation.ipinasok siya ni miss victoria sa CLUB DE MUJERES INDEPENDIENTES na pag-aari nito.at sa organisasyong iyon ay natutunan niya ang maging matapang at tulungan ang kapwa kababaehan na nakatatanggap ng pang-aabuso galing sa mga kalalakihan.four years later,miss victoria prepared her for the reunion with her ex-boyfriend.na isa nang CEO.because of the extensive connections miss victoria has,she will be the new secretary of her ex-boyfriend Arcanghel De cruz Peter.ano kaya ang mararamdaman ni arcanghel sa muli nilang pagkikita?pagsasalitaan na naman ba siya ng masasama at itutulak na naman siya palayo? that will never happen again,because in the four years they haven't seen each other,she was ready to give back to arcanghel all the pain and suffering she had experienced before.and she will make sure that the billionaire,arrogant and womanizer Arcanghel De cruz Peter,will kneel before her. WARNING:SPG This story contains bad language and scenes. if you are aged eighteen and under.i remind you to skip the offensive scene in this story,and strict parental guidance is required.
Romance
386 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Every Second Count

Every Second Count

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Fantasy
2.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Destiny

Destiny

Dahil sa ambisyon, kinalimutan lahat ni Erica ang kanyang pag-ibig kay Jacob. Sa tulong ng mag-asawang Concepcion at ng nag-iisa nilang anak na si Elena, nakamit ni Erica ang kanyang pangarap. Subalit, mayroong nalaman si Erica, napangasawa ni Elena si Jacob. Ngunit may problema. Hindi mabibigyan ng anak ni Elena si Jacob. Kaya humanap ng baby maker si Elena. At si Erica ang napapayag niya. Pag-ibig pa kaya ang dahilan kung bakit pumayag si Erica o dahil umaasa parin si Erica na ito ang magiging daan sa muli nilang pag-iibigan ni Jacob. Tunghayan natin ang kuwento at pakikipag sapalaran ni Erica sa mundong gulo at pighati ang hatid sa kanya
Romance
106.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Expect The Unexpected Marriage

Expect The Unexpected Marriage

Katana
Synopsis  Mapipilitang umuwi si Brianna upang dumalo sa kasal ng kaniyang kakambal na si Lilianna. Ngunit ang inaasahang okasyon ng kapatid ay siyang magiging kasal pala niya, malalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya kayang lusutan pa. Magiging asawa siya pansamantala ng lalaking rason kung bakit siya nagpakalayo-layo noon.  Mapaglabanan pa kaya ni Brianna ang sariling damdamin na noon ay pinaubaya sa kakambal?  O tuluyan nang mahuhulog sa lalaking una niyang minahal?  Paano kung sa pagbabalik si Lilianna ay bawiin ang asawa?  Ibibigay niya ba ito sa kakambal sa pangalawang pagkakataon? O, ilalaban kung alam niyang una pa lang ay pagmamay-ari na niya.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
LGBTQ+
109.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2425262728
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status