Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?
1014.7K viewsOngoingAdded to Library 337 Times as big brother is watching
Show Reviews (26)
Read
+Library
ArtofPollyanna
Interesting plot. Akala ko magiging sila ng lalakeng minahal niya. Hindi naman siya deserve ng lalakeng yon. Mabuti nang mapunta siya sa tulad ni Rico. Maganda yung may pa cliff hanger kaya for sure mapapaisip ang mga readers kung anong mangyayari sa story na 'to. Highly recommend ...
Duskara Morvane
Hi, guys. Available na po ang stand-alone story nina Sam at Daddy GAB. Pwede kayong direct na magbasa roon. Check niyo lang sa profile ko. Ito ang title: 𝗜𝗡 𝗕𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗦𝗖𝗨𝗠𝗕𝗔𝗚 𝗛𝗨𝗦𝗕𝗔𝗡𝗗'𝗦 𝗥𝗨𝗧𝗛𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 (𝗦𝗣𝗚) Maraming-maraming salamat! 🤍
Read All Reviews
My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father

Ang tanging hiling ni Lexie Marie Delos Reyes ay matupad ang pangarap ng kaniyang Lola. Ang makasal at tuluyan nang lumagay sa tahimik. Ngunit sa araw mismo ng kaniyang kasal, gumuho ang lahat nang tumakas ang kaniyang fiancé upang sundan ang babaeng tunay nitong mahal sa ibang bansa. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, napilitan siyang gumawa ng desisyon na magbabago ng lahat. To marry Kaizer Zapanta, her brother’s best friend. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, misteryoso, at isang trilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. "If it’s marriage you want, I’ll take his place. But don’t expect me to give you my heart." – Kaizer Zapanta Ang kasal na inakala ni Lexie na pakitang-tao lamang ay unti-unting nagiging mapanganib sa puso niya. Unti-unti niyang natuklasang na sa likod ng malamig na anyo ng lalaki, may init pala doong kayang tunawin ang lahat ng takot, at sakit sa puso niya. And just when her heart began to trust again, Zyrus—her runaway fiancé—returned with a confession that threatened to ruin everything. "Come back to me, Lexie. After all, we’re expecting a child. Won’t you introduce me as their father?" – Zyrus Martinez Ngayon, kailangan niyang pumili. Sino sa pagitan ng lalaking minsang iniwan siya, o sa estrangherong hindi na lang basta asawa kundi ama ng kaniyang dinadala, ang kaniyang pipiliin?
10720 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as big brother is watching
Read
+Library
Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch

Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch

“How far are you willing to go… for a forbidden love?” Akala ni Jenesis Apolonia Capistrano, kaya niyang tiisin ang lahat, isa na roon ang pagiging manugang sa isang pamilyang hindi siya kailanman tinanggap. Sa loob ng marangyang bahay na iyon, wala siyang boses. Wala siyang kakampi. Bawat galaw niya, may mali. Bawat araw, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauubos. At ang asawa niya? Nandiyan lang pero hindi niya kailanman naging sandalan. Hanggang sa may isang pares ng mata na nagsimulang tumingin sa kanya… nang higit sa dapat. Si Raoul Alistair Rodriguez. Ang panganay na kapatid ng asawa niya. The cold, dominant, and dangerously in control brother-in-law of hers. Isang lalaking dapat niyang iwasan. Isang lalaking hindi niya dapat iniisip. Pero sa gitna ng sakit at pag-iisa, si Raoul ang naging pahinga niya …and also her greatest temptation. Sa bawat titig, sa bawat paglapit, unti-unting nabubura ang mga hangganan na pilit niyang pinanghahawakan. Mali iyon. Pinagbabawal. Malaking kasalanan. Pero nang hawakan siya ni Raoul, doon niya napagtanto, not every sin feels wrong. Dahil minsan, ang pinakamasarap na pakiramdam… ay yung alam mong hindi dapat. At kapag puso na ang kumilos, kahit mali... nagiging tama. Now, will Jenesis choose to walk away from Raoul's touch… or let herself fall into a love that could ruin her?
2.7K viewsOngoingAdded to Library 57 Times as big brother is watching
Read
+Library
My Brother's Bestfriend

My Brother's Bestfriend

Series #1 I love you, Sister Series #2 My Brother's Bestfriend I am Sofia Avery, Vaughn’s younger sister. Akala ni kuya, simple lang akong babae, conservative and old fashioned. Eh nag-aral ako sa ibang bansa kaya na-adapt ko ang culture doon. I am a liberated woman, at may isang naging seryosong karelasyon, but I left him in Spain dahil nagiging bad influence na siya sa akin. Nakilala ko si Josh dela Paz, na kapatid ni sister Bianca, at bestfriend ni kuya. Naging ka-roommate ko siya sa apartment na pag-aari niya. Hindi ko alam na pinaghiwalay ni kuya si Josh at si Alison na ex-fiancée niya. May naka-video na naghahalikan sina kuya Vaughn at Alison, at napanood ito ni Josh. Mahal na namin ang isa’t isa. Ibinigay ko na ang lahat-lahat sa kanya, but I found out that he just made me fall for him para gantihan si kuya. Bumalik siya sa ex-fiancée niya na nanloko lang siya, at nang-akit sa kuya Vaughn ko.
1066.5K viewsCompletedAdded to Library 1.9K Times as big brother is watching
Read
+Library
His Brother's Wife

His Brother's Wife

Angelo "Ang" Rodriguez is a broken man, matapos mawala ang babaeng pinakamamahal ay tuluyan nang nagbago ang binata maliban pa sa nangyari sa pinakamamahal nitong kapatid na si Anthony ngunit isang bagay ang hindi matanggap ng binata at iyon ay ang asawa ni Anthony na si Miranda Sandoval, ang gold digger na babaeng pinakasalan ni Anthony ng nasa US pa ito at gagawin ni Ang ang lahat para mawala ang naturang babae sa buhay nila ngunit ang hindi inaasahan ni Ang ay ang mahulog ang loob sa naturang babae sa babaeng apat na beses nang kinasal.
925 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as big brother is watching
Read
+Library
His Brother's Bride

His Brother's Bride

Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
105.3K viewsCompletedAdded to Library 173 Times as big brother is watching
Read
+Library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
2.5K viewsOngoingAdded to Library 66 Times as big brother is watching
Read
+Library
My Step- Brother's Temptation

My Step- Brother's Temptation

Scorpiowarrior
Sinisi ni Kidlat ( Light Aero) si Shein sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Azalie. Namuhi ang binata sa dalaga subalit mariin ding nitong itinanggi ang akusasyon sa kanya. At gusto ni Kidlat na makulong si Shein, subalit nalaman din na hindi sadya ang mga nangyari. Subalit nanatiling namumuhi si Kidlat kay Shein at hindi naniwala sa mga ebidendsyang ipinakita sa kanya. Hanggang sa isang pangyayari ang naganap at naging step- siblings silang dalawa. Lihim na natuwa si Kidlat dahil chance na nitong mapahirapan si Shein. Hanggang kailan kamumuhian ni Kidlat si Shein? Wala na nga bang kapatawaran na natitira sa puso nito upang kapwa na sila matahimik? Anong klaseng paghihiganti ang gagawin ni Kidlat kay Shein?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as big brother is watching
Read
+Library
Anastasia is Dead

Anastasia is Dead

luna_blaire
Anastasia Dawson, a third year Political Science student. She is a combination of beauty and intelligence–a genius to be precise. And the fact that she is an orphan but still live a lavish life, makes her almost perfect. That is why she became easily part of the perfect and most popular squad in her new School. But, their flawless image suddenly got tinted when Sia spilled some of their dirty little secrets. As their friendship ends. Who would expect that Sia will also face her tragic death. But, her end is the only beginning for their staged perfection to be ruined.
4.0K viewsCompletedAdded to Library 119 Times as big brother is watching
Read
+Library
Love is Dead

Love is Dead

TheCatWhoDoesntMeow
DE GUIA SERIES 2: Love is Dead Cheating is never in Alyson's dictionary. Kilala siya sa angkan ng mga De Guia bilang dakilang Ambassadress ng Pag-ibig. Kaya naman emotera siyang nag-itim at nagpa-reserve ng puntod nang madiskubreng niloloko siya ng nobyong si Ramon - ang lalaking tunog-kanto ang pangalan pero may abs. Ang malaking problema niya: Paano siya magwawala at maghihisterya sa pait ng pag-ibig gayong Triple A lang ang karakas ng baterya niya? Sino ang tutulong sa kanya sa paglilibing ng feelings kung buntis at baliwag ang masasandalan niyang pinsan na si Erin? At paano siyang hindi madi-distract sa aali-aligid na bigote at abs ni Noonie Valderrama? Love is dead. Or does it really die?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 45 Times as big brother is watching
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status