Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"

Habang iniwan ni Elara ang kanyang mayamang pamilya upang mamuhay ng isang payak na buhay, nakilala niya si Nathaniel Anderson—ang anak ng isang bilyonaryo na nais patunayan ang sarili nang hindi umaasa sa yaman ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal, nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang nangailangan si Nathaniel ng tulong upang matupad ang kanyang mga pangarap, buong puso siyang sinuportahan ni Elara. Ngunit nang bumalik ang dating pag-ibig ni Nathaniel, gumuho ang kanilang kasal. Sa gitna ng matinding pagtataksil at sakit, nagdesisyon si Elara na lumayo—dala ang isang lihim na magbabago sa kanilang kapalaran. Makalipas ang ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngayon, determinado si Nathaniel na bawiin ang babaeng minsang iniwan. Ngunit magpapadala pa ba si Elara sa dating damdamin, o tuluyan na siyang lalayo bilang isang lihim na bilyonarya?
Romance
1026.6K viewsCompleted
Read
Add to library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
Romance
547 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Obsession

The Mafia's Obsession

Dahil sa pag-imbita kay Thiago na pumunta sa isang illegal na Auction kung saan nagbebenta ang isang sindikato ng isang babaeng berhen ay nakilala niya si Keyla. Ang unang babaeng bumihag sa kanya. Ang babae binili niya kapalit ng isang daang million. Isa kasi ito sa inihain sa Auction nabihag agad siya sa ganda ng katawan at mala-dyosa nitong mukha. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala itong alagad ng isang secretong organization na tinatawag na Trial and justice secret organization or TAJSO. At layunin nitong iligpit at humuli ng mga taong may illegal na gawain. At ang pakay nito ay patayin ang isa sa mga bumibili ng babae sa Auction. Kitang-kita niya kung paano ito tumalon mula sa stage habang tangan ang baril mula sa security na inagawan niya. Kahit string bikini at kulay pulang lace na gown lamang ang suot nito. Ay walang kahirap-hirap nitong napatay ang kalaban. Sinubukan niya itong pigilan sa tangkang pag-alis ngunit nagdatingan ang mga pulis at maski siya ay hinuli. At hindi niya makakalimutan ang huling ginawa nito. Makita pa kaya niya ulit si Keyla? At maitatago kaya niya ang kanyang pagkatao bilang isang makapangyarihang MAFIA?
Romance
1099.8K viewsCompleted
Read
Add to library
RAINBOW AFTER THE RAIN

RAINBOW AFTER THE RAIN

Si Jom Tan ay isang mag-aaral ng Architecture sa Kaicheng University. Kilala siya bilang cold, snob at masungit na lalaki sa kanilang eskwelahan. Bagamat masungit ay may itinatago rin itong kabaitan. Si Clowie Trugillo naman ay isang mag-aaral ng Fashion Design sa Senwell University. She is known to be the soft-hearted and kind-hearted person. She is also an Artist, she was once held an exhibit for her arts. Isang araw, nagtagpo ang mga landas nila. She was being friendly to him but he just ignored her. Pero hindi iyon ang dahilan para hindi siya magustuhan ni Clowie. Jom was the reason why Clowie transferred to Kaicheng University. In that school, nakilala si Clowie bilang isang spoiled brat na walang ibang ginawa kung hindi ang magpapansin kay Jom. She has many haters on that school but she was thankful she got to meet her only friend, Jeane. Napaka-pursigido ni Clowie na makuha ang loob ni Jom. She supported him in every ways she can. She doesn't care about what people say around her kahit pa nagmumukha na siyang tanga at kawawa. Not until, nakita niya si Jom na nagpropose kay Jelly, ang childhood sweetheart nito. She's badly hurt emotionally. That same day, she was invited to an event. She didn't know she'd be in big trouble that would make Jom loathe her. Mamahalin pa kaya ni Jom si Clowie? Mapapatawad pa kaya siya nito kung sarado na ang puso't isipan ng binata? Let's find out by reading their story!
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare

THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare

Kim.arcelle23
Ang tanging hiling lamang ni Reeca Abenejo ay makapagtrabaho muli matapos nang siya ay matagal ng maaksidente. Sa tulong ng bestfriend niya na siyang kumupkop at nag-alaga sa kaniya na si Farah at nobyo nitong si Jackson ay pumasok siya bilang kasambahay sa isang pinaka makapangyarihan at mayaman na si Nickolai Vrikzor Straugher, ang nakakatakot na Mafia at nakakatindig balahibo na pagkatao nito. Ang inaakala niyang pagiging kasambahay ay nauwi bilang taga-alaga sa dalawa nitong anak na si Zor at Neeca . Anu ang kaniyang magiging buhay sa pagtakbo ng bawat araw na unti unting natutunan niya mahalin ang mga bata na para bang tunay na mga anak. Ang di niya inaasahan ay mas lalong magpapatibok ng kaniyang puso ay ang Ama ng dalawang bata. Pilit niyang itatago ang paghanga na nadarama sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Paano kung ang akala niyang lahat ay normal lang yun pala ay puro kasinungalingan. Isang pagsabog sa kaniyang katauhan ang biglang gigimbal na bahagi sa kaniyang nakaraan.
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Enemy Is My Lover

My Billionaire Enemy Is My Lover

Labis na nagtaka si Seraphina nang bigla siyang mailipat sa ilalim ng pamamahala ng bagong boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang pinapahiya at minamaliit nito. Alam niya sa sarili niyang magaling siya sa trabaho, pero para sa bagong boss niya, isa siyang walang kwenta. Galit sila sa isa’t isa. Ngunit ang matinding galit na iyon ay nagbunga ng isang di-inaasahang pangyayari—isang gabi ng matinding pagnanasa na bumalot sa kanilang dalawa. Matapos ang nangyari, mananatili pa rin ba ang poot sa kanilang mga puso? O ang galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting magliliyab bilang pag-ibig?
Romance
10773.6K viewsOngoing
Show Reviews (89)
Read
Add to library
bunchf05
Im sorry to say this, pero nabo-bored ako sa story, masyadong pabebe si FL, di marunong lumaban, masyadong kinawawa ni Author. A lot of here saying, npkaganda dw ng kwento but for me "not really" cguro, i expected more base sa mga nabbasa kong reviews, but this story didn't meet my expectations.
Saphira you
NAKAKA SAD, PARANG AYOKO PA MATAPOS YUNG STORY NILA SCARLET AT LUCIAN. GRABE NAPA IYAK TALAGA AKO SA KWENTO NILA 🥹 MAMI-MISS KO SI PAPA LUCIAN HUHU. MISS AUTHOR SANA BAGO MO I END STORY NILA MAKASAL MUNA SILA AND MANGANAK SI SCARLET, ANG SARAP SIGURO MAG ALAGA NG ISANG PAPA LUCIAN HAHAHA.
Read All Reviews
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1011.5K viewsCompleted
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status