Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1020.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Romance
10834 viewsOngoing
Read
Add to library
Starved Passion ( Taglog Version)

Starved Passion ( Taglog Version)

Lori
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga Mature na nilalaman, mahigpit na R18+ Inilipat si Ivana Davies sa NYC dalawang linggo matapos makuha ang kanyang pangarap na trabaho na maging pribadong sekretarya ng pangalawang anak ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa Russia. ."The Gilbert group of company" isang multi-bilyong dolyar na imperyo sa pananalapi at software, matapos mahuli ang kanyang amo na nakikipagpalitan ng init ng katawan sa kanyang receptionist. .Sa labis na kawalang-paniwala, hiniling si Ivana na magtrabaho bilang permanenteng sekretarya ng panganay na anak ni The Gilbert, si Davin Gilbert na walang gustong gawin sa kanyang ama o sa negosyo ng pamilya. .nang dumapo sa kanya ang mga pares ng madidilim na mata na iyon, sa unang araw ng pagtatrabaho para kay Davin Gilbert, kakayanin kaya nina Ivana at Davin ang mga kislap at pananabik na mayroon sila sa isa't isa habang pareho silang nagtatrabaho nang malapit sa kanyang kumpanya?
Romance
13.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
417 viewsCompleted
Read
Add to library
My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

Nalaman ni Ximena na sinadya ng kanyang nobyo na si Julius na ipambayad utang ang kanyang puri kasabwat ang babae na pinakilala sa kanya ng kasintahan na matalik nitong kaibigan. Yun pala ay matagal ng may relasyon ang mga ito. Kasunod non ay natanggap siya sa trabaho. Ngunit ganon na lang ang gulat ni Ximena na imbis na sa Marketing Department ay nalipat siya bilang Personal Assistant ng CEO!
Romance
1023.1K viewsCompleted
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
7.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE LINK

THE LINK

Chi Jads
Isa lamang ang nais makamit ni Saxira at iyon ay ang mahanap niya ang pumatay sa kaniyang lola matagal na panahon na ang nakalilipas. Siya ay mayroong espesyal na kakayahan at iyon ay ang nakikita niya ang mga taong mamamatay sa pamamagitan ng kaniyang mga panaginip. Bukod pa rito, nakikita rin niya ang mga sundo ng kamatayan o tinatawag na soul reapers. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang cold at masungit na soul reaper na si Xyu. Isang link na sumpa ang nag-uugnay sa kanilang pandama. Dahil sa sumpang ito, nag-desisyon sila na humanap ng paraan kung paano ito mapuputol ngunit ito pala ay magiging susi upang matuklasan ang mga krimeng naganap ilang taon na ang nakalilipas. Isang mapait na krimen na magbibigay linaw sa kanilang tunay na pagkatao. Sino nga ba talaga sila at ano ang kanilang nakaraan sa likod ng krimen na kanilang matutuklasan?
Mystery/Thriller
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Sweetest Addiction (Tagalog)

His Sweetest Addiction (Tagalog)

SulatniMiss E
Si Samantha ay isang napakaganda at inosenteng babae, na may matagal nang kasintahan, na si Liam. Gayunpaman, biglang dinurog ni Liam ang kanyang puso, na naging dahilan upang gumuho at miserable ang kanyang mundo. Wala siyang kahit na anumang ideya kung bakit ginawa ito ni Liam sa kanya. Isang kasintahan na minsang nangako sa kanya at napalitan ng walang pakialam at walang puso. Ngunit nang magkrus muli ang kanilang landas, naadik na siya sa kanya. Bumaliktad ang mundo ng dalawa. Naging sobrang possessive niya sa kanya, na kahit isang kaibigan ni samantha na tumingin sa kanya na parang bihirang brilyante, magseselos siya. To the point na gusto na niyang ilibing lahat ng lalaking sumusulyap lang kay samantha. **** "Huwag kang magkakamali, kung ano ang akin ay akin lamang. Kaya kong gawin kahit anong gusto ko. Kung sino man ang gustong magnakaw sa aking pinakamamahal na babae ay dadaan sa galit na aking dadalhin." Galit niyang sabi.
Romance
5.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status