Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying her Billionaire Baby Daddy

Marrying her Billionaire Baby Daddy

"Here's my calling card. Call me if you need something…" One night stand. Iyon ang nangyari sa pagitan nina Graciella Santiago at ng lalaking hindi niya kilala. Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita pa pero isang buwan matapos ang una nilang tagpo, nalaman nalang niyang dinadala na niya ang anak nito. Wala naman dapat siyang balak na tawagan ang lalaki pero nang mapagdesisyunan ng kanyang ina na ipakasal siya sa isang matandang hukluban kapalit ng pera, agad niyang tinawagan ang estranghero na ama ng kanyang anak para pakasalan siya! Akala niya isang gaya lamang niya si Drake Levine Yoshida subalit isang araw natuklasan nalang niya na ang lalaking basta nalang niya niyaya ng kasal ay isa palang mayamang lalaki! At hindi lang basta mayaman kundi isang bilyonaryo at nagmamay-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya!
10212.2K viewsCompletedAdded to Library 5.5K Times as buwan lyrics
Read
+Library
Married A Coward Liar, Loved By My Dad

Married A Coward Liar, Loved By My Dad

Ang kasal ni Lori ay tumagal lamang ng isang gabi. Matapos ang isang gabing puno ng init at pagnanasa, ang kanyang asawang si Russel ay biglang naglaho para sa isang "business trip." Naiwan si Lori na may hawak lamang na mapait na alaala at isang sakit na ikinakahiya niyang sabihin sa iba… ang nymphomania. Sa loob ng ilang buwan, pilit niyang nilalabanan ang matinding pagnanasa ng katawan na unti-unting lumalamon sa kanyang kaisipan. Pero hindi siya nag-iisa gaya ng inaakala niya… Matagal nang pinagnanasaan ni Weston Revamonte ang kanyang manugang, ngunit alam niyang off-limits ito… hanggang sa isang gabi, ang isang basong may droga ang nagpabago sa lahat. Ngayon, ang namumuong init sa pagitan nilang dalawa ay isang lihim na maaaring sumira sa dangal at legacy ng pamilya Revamonte. Sa pagkawala ni Russel, handa si Weston na punan ang pagkukulang nito sa buhay ni Lori.
103.4K viewsOngoingAdded to Library 129 Times as buwan lyrics
Read
+Library
Dela Vega's Surrogate Wife

Dela Vega's Surrogate Wife

Ang simpleng buhay ni Lyvette Andrea Castillo ay naging masalimuot nang madukot ng isang baliw na direktor. Dahil sa matinding takot at banta sa kanyang buhay, napilitan siyang ibigay ang sarili sa isang kapwa bihag na nagngangalang Sandro Dela Vega. Mabuti na lamang at nakaligtas silang dalawa. Makalipas ang isang buwan, nabuntis si Lyv. Mula sa kanyang kapatid, napag-alaman niyang interesado ang mga Dela Vega na panagutan ang ipinagbubuntis niya. Nais ng dalawang pamilya na sila'y maikasal. Kaya lang, pareho silang mayroon nang minamahal. Dahil dito, nabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila, ipawawalang-bisa nila ang kanilang kasal pagkatapos manganak ni Lyv. Ayos na sana ang lahat, kung hindi lamang nag-iba ang plano ng tadhana. Magagawa ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan? O hahayaan ang kanilang mga sariling magpatangay sa kanilang nararamdaman?
1043.9K viewsCompletedAdded to Library 1.4K Times as buwan lyrics
Read
+Library
Love for Rent

Love for Rent

Limang buwan na ang nakalilipas ay ibinenta ni Hanna ang katawan at naiwala niya ang pinakaiingatang puri. Isang malaking pagkakamali ngunit kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kapatid. Namasukan siya bilang dyanitres sa pinakamalaking kumpanya sa kanilang bayan. Hindi niya akalain na ang lalaking naka-one night stand at ang CEO, ang bilyonaryong si Charles Ethan Rodriguez ay iisa! Inalok siya nitong magpanggap bilang girlfriend. Pumayag siya dahil bukod sa sobrang gwapo at matipuno nito ay babayaran siya ng malaking halaga. Paano kung sa kasunduan nila ay umibig siya sa mayamang binata? Ngunit parausan lamang ang tingin nito sa kanya habang hinihintay nitong bumalik ang babaeng tunay na minamahal. Hanggang saan siya magtitiis para sa lalaking walang pagtingin sa kanya? Hanapin kaya siya nito kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglahong parang bula?
9.91.3M viewsCompletedAdded to Library 44.2K Times as buwan lyrics
Show Reviews (105)
Read
+Library
Analyn Bermudez
maganda Ms A Ang book 1.. diko lng alam kung maganda din itong book 2 mo,,KC mukhang Puno Ng sakit at pagdurusa ata Ang mangyayari Kay Hanna...at ano Ang mangyayari sa kanilang mag asawa....Hindi ko na Muna babasahin,ska ko nlng bsahin pag end na hahaha ayuko Muna umiyak Ms A
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa suporta sa Love for Rent. Please try my other books. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO - new 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire - completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife - ongoing 4. Unlove Me Not - completed 5. The Ex-convict Billionaire - completed
Read All Reviews
Vengeance of Love

Vengeance of Love

Heaven Abby
"I love you. I don't know how and why. I just felt it like a star that swiftly falls from the sky..." TEASER Naipangako ni Zalheia na pagbabayarin niya ang walanghiyang lalaking sanhi nang maagang pagkamatay ng nakababata niyang kapatid na si Rebecca. Lalaking minahal nito nang sobra subalit iniwan lamang nang mabuntis na. Iyon ay walang iba kundi si Lowell Morgan Cordova! Makalipas ang ilang buwan matapos mailibing si Rebecca ay nagkakilala sila ng taong pakay niya. Doon nabuo ang plano niya—planong paibigin ito, paglaruan, iwan at saktan! Nakiayon naman ang tadhana sapagkat ang isang Cordova ay halos maglumuhod at sambahin siya. Dahil doon ay lihim na nagbunyi ang pagkatao niya—makakaganti na siya sa sinapit ng kapatid niya. Subalit nang mga panahong handa na niyang isakatuparan ang lahat ay saka naman sumambulat ang nakakubling katotohanan na kahit na kailan ay hindi niya inaasahan...
101.3K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as buwan lyrics
Read
+Library
The CEO's Unexpected Heir

The CEO's Unexpected Heir

Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Ang plano ni Avery ay simple lang—pasukin ang hotel room ng lalaking sumira sa pamilya niya, akitin ito, at kunin ang ebidensyang magpapabagsak dito. Pero dahil sa kamalasan, sa maling suite siya pumasok. Imbes na ang matandang kaaway, ang bumungad sa kanya ay si Sandro Tallano—ang nakakatakot at saksakan ng guwapong lalaking tinaguriang “Cold-Blooded King” ng business world. Akala ni Avery ay ligtas na siya matapos siyang tumakas kinabukasan. Pero makalipas ang dalawang buwan, isang positive result sa pregnancy test ang nagpabago sa buhay niya. At ang ama ng dinadala niya? Ang mortal na kalaban ng taong gusto niyang gantihan. Hindi pa man siya nakakapag-isip ng susunod na hakbang, nahanap na siya ni Sandro. Makuha kaya ni Avery ang hustisya, o mahuhulog lang siya sa bitag ng isang lalaking mas mapanganib pa sa mga kaaway niya?
10118 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as buwan lyrics
Read
+Library
My Billionaire Uncle

My Billionaire Uncle

Si Fionarie Hanzel Herrera, isang maganda at 18 taong gulang na dalaga, ay nag-eenjoy sa isang party kasama ang kanyang mga kaibigan. Sa gitna ng kasiyahan, napagdesisyunan nilang maglaro ng Truth or Dare. Nang tumama sa kanya ang bote, pinili niya ang dare, at inutusan siyang makipaglandian sa lalaking nakaupo sa gilid ng bar—isang lalaking umiinom ng alak, si Sam Milby Solis. Nilandi niya ito, at hindi naglaon, dinala siya ng lalaki sa kanyang condo kung saan may nangyari sa pagitan nila. Ngunit makalipas ang isang buwan, laking gulat ni Fionarie nang matuklasan niyang ang lalaking iyon pala ay ang kanyang tiyuhin, ang kapatid ng kanyang ina. At higit pa rito, nalaman niyang buntis siya sa anak ng kanyang sariling uncle. Ngayon, nahaharap siya sa isang napakahirap at masalimuot na sitwasyon. Ano ang kanyang dapat gawin? Tatanggapin ba ito ng kanyang pamilya? Magiging maayos ba ang lahat?
105.4K viewsOngoingAdded to Library 161 Times as buwan lyrics
Read
+Library
SECRETS and BETRAYALS: Isla and Silas Hidden Child

SECRETS and BETRAYALS: Isla and Silas Hidden Child

May pangunahing dalawang lihim sa naging kasal ni Isla Montgomery kay Silas Kensington. Una, hinahamak at kinamumuhian siya ng pamilya Kensington bilang manugang, at halos buong angkan nila ang nag-uudyok kay Silas na pumirma ng kasunduan ng hiwalayan bago pa man ang kanilang kasal—nang hindi alam ni Isla. At ang kasal din nila ay magiging epektibo lamang tumagal ng pitong taon. Pangalawa, lihim na nagsilang ng anak na babae si Isla na itinago naman kay Silas. Sa loob ng pitong taong pagsasama, hindi man lang nalaman ni Silas na may limang taong gulang na pala siyang supling. Tatlong buwan bago magkabisa ang kanilang kasunduan nang matuklasan pa ni Isla ang isa pang lihim ng asawa. Nadurog ang puso ni Isla nang labis nang dahil doon. Dito na ang babae nagdesisyong hindi na kailanman ipapaalam na may anak sila. Buong tapang siyang nakipaghiwalay, iniwan ang asawa at walang pakundangang itinakas ang kanilang anak.
10134 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as buwan lyrics
Read
+Library
Sold To The Ruthless Billionaire

Sold To The Ruthless Billionaire

"I didn't buy you to be a wife, Clara. I bought you to be my toy. To watch your life crumble, just like what your father did to mine." Ipinagbili ang simpleng dalaga na si Clara Santos sa malupit na bilyonaryong si Sebastian Vergel bilang pambayad-utang ng kanyang ama. Sa loob ng mansyon, naranasan ni Clara ang bagsik ng lalaking binalot ng poot, hanggang sa ang kanilang ugnayan ay nauwi sa isang mapanganib na obsesyon. Ngunit nang masira ang tiwala ni Sebastian dahil sa mga maling paratang, tumakas si Clara dala ang isang malaking sikreto—buntis siya sa tagapagmana ng lalaking itinuturing niyang kaaway. Makalipas ang ilang buwan, ang dating “Ruthless Billionaire” ay luluhod sa harap niya para sa kapatawaran. Sa isang malayong probinsya, matatagpuan ni Sebastian ang asawang pinalayas niya, may dalang bagong buhay. Handa na bang magpakumbaba ang bilyonaryo para sa kanyang mag-ina, o tuluyan na siyang itataboy ni Clara para sa kanyang kalayaan?
106.1K viewsOngoingAdded to Library 221 Times as buwan lyrics
Read
+Library
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

Isabelle Osorio is a strong, single, and independent woman ngunit desperada. Nasa bingit ng pagkawala ng lahat ng ari-arian ang pamilya niya at ng pagkakalubog nila sa utang. At ang solusyon? Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakilala ni minsan, isang milyonaryo na ang usap-usapan ay may pusong bato. Ngunit sa gabi ng kanyang bridal shower, namagitan ang tadhana. Hindi niya gusto ang kasal, ngunit hindi rin niya gusto ang magtaksil sa mapapangasawa niya—subalit nagising na lamang siya sa piling ng macho dancer na inarkila para sa bridal shower niya Isang gabing pagsinta at isang lihim na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang isang buwan, nagimbal siya sa balita na siya ay nagdadalang tao. Ngayon, nahaharap siya sa isang desisyong magpapabago sa buhay niya— ang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal o yakapin ang hindi inaasahan at ipaglaban ang kanyang kaligayahan? He got her pregnant. But could he get her heart?
103.0K viewsCompletedAdded to Library 63 Times as buwan lyrics
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
17
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status