Unexpectedly Yours, Doctor
One night is all it takes.
Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala.
Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya.
Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya.
Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon.
Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya.
Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon.
Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala?
O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?