The Ceo's Stolen Night
Hindi kailanman inakala ni Luhan na ang isang gabing dapat ay simpleng “boy’s night out” lamang ang sisira sa pinaghirapan niyang relasyon at nakatakdang kasal kay Stephanie. Sa isang iglap, nasangkot siya sa isang gabing puno ng alak at kalituhan—at nagising na may nangyari sa pagitan niya at isang babaeng hindi niya kilala. Sa desperasyong linisin ang kanyang pangalan, hinanap niya si Bella, ang kaibigang maaaring makapagpatunay na hindi niya ginusto ang nangyari.
Samantala, pasan ni Cattleya ang mabigat na responsibilidad bilang ina kay Kesleigh, isang batang may sakit sa puso. Sa gitna ng problema sa pera, pagkawala ng tirahan, at trabaho, napilitan siyang tanggapin ang alok na maging sekretarya ng isang istriktong boss—si Luhan. Sa una’y puro iringan ang namagitan sa kanila, lalo na nang pagbawalan siyang magdala ng anak sa opisina. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nahulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa.
Naging masalimuot ang lahat nang muling manggulo si Stephanie at unti-unting mabunyag ang koneksyon ng nakaraan. Isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Cattleya—si Luhan ang lalaking nakatalik niya noon. Sa takot na mawala ito, itinago niya ang katotohanan, hanggang sa isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naglantad ng lahat.
Dumagdag pa sa kaguluhan ang paglitaw ni Caloy na nag-angking ama ni Kesleigh. Nasubok ang tiwala ni Luhan, ngunit pinatunayan ng DNA test na siya ang tunay na ama. Sa araw ng pag-alis nina Cattleya patungong ibang bansa, pinili ni Luhan na habulin sila—handa mang maghintay, umaasang balang araw ay mabubuo rin ang kanilang pamilya.