フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.7K ビュー連載中
読む
本棚に追加
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1012.1K ビュー完了
読む
本棚に追加
My Virgin Labandera

My Virgin Labandera

My V*rgin Labandera Mabuti at maalagain na anak si Ella kaya noong napansin niya na hirap na sa paglalaba ang kanyang ina ay siya ang pumalit dito. Ang mag-asawang Hernandez lang naman ang ipinaglalaba nito na mapagbigay sa kapwa at maunawain kaya pumayag ang mag-asawa na siya ang papalit sa nanay niya. Lingid sa kanyang kaalaman na may babaerong anak ang mag-asawa at ito si Terron na medyo magaspang ang taglay na ugali. Kaya noong nalaman niya na v"rgin pa si Ella ay gusto niya itong matikman at itulad sa mga babaeng naikama niya na. Ano kayang mangyayari? Si Ella na kaya ang makapagpabago kay Terron?
Romance
250 ビュー連載中
読む
本棚に追加
Fated  (A Surrogate Story)

Fated (A Surrogate Story)

Sa kagustuhan ni Ali na matuluungan ang kanyang Lolo na mailabas ng hospital ay sinubukan nitong harapin ang dati nitong gawin pero naipatalo ni Ali ang malaking halaga na ipinusta ng isang lalaking hindi niya akalain na lalong gigipit sa kanya. Sa kawalan niya ng pagasa ay inalok niya ang lalaki na patusin na lamang siya at katawan na lamang niya ang ipangbbabayad sa ipinatalo niyang salapi.
Romance
1012.4K ビュー完了
読む
本棚に追加
PURE STEAMY Series: His Virgin Whore

PURE STEAMY Series: His Virgin Whore

Madame Marites
Isang babae na ang pangarap ay maipaghiganti ang kanyang mga magulang. Isang babae na ginamit ang katawan para makamit ang hustisya. Matagumpayan kaya ni Ellie na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan kung nahulog na siya sa poging Mayor na si Lucky Gulbory?
Romance
105.3K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Arrange Marriage To My Boss

Arrange Marriage To My Boss

Isang araw nagising ako sa katotohanan naay asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kompanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na Boss ko pala ang nakabili nun.
Romance
863 ビュー連載中
読む
本棚に追加
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.5K ビュー連載中
読む
本棚に追加
One Night Stand With My Boyfriend's Twin

One Night Stand With My Boyfriend's Twin

Si Amari ay isang simpleng babae na ipinanganak na independent. Simple lang ang buhay niya, kahit hindi siya kasing yaman o ganda ng ibang babae, kontento na siya sa kung anong meron siya at hindi na naghangad na umangat pa. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang nakababatang kapatid na may Down syndrome, at ang matustosan ang pangangailangan nito. Sa edad kasi na 15, mulat na siya sa reyalidad. Mula nang iwan sila ng kanilang ina matapos mamatay ang kanilang ama para sa ibang lalaki, ay siya na ang tumayong ina at ama ng kanyang kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang sa araw na balak niyang ibigay ang kanyang sarili sa kanyang nobyo (si Harper), aksidente siyang pumasok sa maling kwarto. At sa kamalas-malasan, sa dami ng mga lalaking maaari niyang mapagbigyan ng kanyang pagkababae, ang kambal pa ng kanyang nobyo, si Hudson, na kinaiinisan niya ito naibigay. Si Hudson na isang arrogante, mayabang, at masama ang ugali, na walang ibang ginawa kundi laitin, kutyain, at sirain ang kanyang araw.
Romance
101.8K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10937 ビュー連載中
読む
本棚に追加
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1015.4K ビュー完了
読む
本棚に追加
前へ
1
...
454647484950
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status