Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
SCALPEL'S KISS

SCALPEL'S KISS

Ang pag-ibig ay isang laro na puno ng hiwaga at roller coaster. Si Champagne Miranda, ang nag-iisang anak ng bilyonaryo at tagapagmana ng Miranda Empire, na nagmamay-ari ng sikat na restaurant chain at pastry outlet sa buong bansa. Si Champagne ay isang dalaga, napabayaan sa kusina ngunit pinalaki ng mag-asawang Mercy at Herbert, mga bilyonaryo at sikat na chef. 5 years niyang crush si Stephan, ang anak ng kanilang driver, at ang kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at force marriage, isang masakit na lihim ang unti-unting sumira sa kanyang puso. Natikman ni Champagne ang pinakamatinding sakit – pagtataksil mula sa lalaking pinakaminahal niya. Sa kanilang mismong tahanan, nakita niyang pinaglalaruan siya ng asawang si Stephan at ang kabit nitong si Pia Vasquez. Ang tagpong iyon ang nagbukas ng sugat na hindi lamang tumagos sa kanyang puso kundi nagdulot ng trahedyang nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay – ang kanyang anak. Sa gitna ng dilim, isang estranghero ang naging sagot sa kanyang panalangin. Si Vash Delos Santos, isang tall, dark, and handsome billionaire at isang cosmetic surgeon na may-ari ng Vlash Aesthetic, sikat na cosmetic surgery clinic sa Bangkok at sa Pilipinas. Isang makapangyarihan at magiting na cosmetic surgeon ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumangon mula sa pagkakadapa. Sa tulong ni Vash, hindi lamang muling nabuo ang kanyang pagkatao – nabago rin ang kanyang anyo. Ngayon, si Champagne ay hindi na ang mahina at inosenteng babaeng minsang minanipula ng kasinungalingan. Siya ay naging isang matatag, makapangyarihan, at kaakit-akit na reyna, handang harapin ang kanyang mga kaaway. Ngunit sa kanyang puso, may nananatiling tanong: sa paghihiganti ba siya tunay na makakatagpo ng kapayapaan? O sa piling ni Vash, ang lalaking nagbigay ng liwanag sa kanyang madilim na kahapon, siya ay matututo ulit magmahal?
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Amber Stories
Ibinenta ni Alathea "Thea" Fermin ang kanyang sarili sa isang secret pornsite para sa operasyon ng kanyang Lola na nagpalaki sa kanya. Isang nagngangalang Elijah Moretti ang nakatalik niya at umangkin sa kanya. Huli na nang nalaman niyang miyembro pala ito ng kinatatakutang Mafia sa bansa.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Tycoon's Pampered Wife

The Tycoon's Pampered Wife

Nang sapilitang ikinasal si Rowan kay Sunny, malinaw sa kanya na ayaw niya sa dalaga-hindi lang dahil magkasalungat ang kanilang mga ugali, kundi dahil isa itong tusong babae! Ngunit hindi niya inaasahan na ang babaeng minsang tinutulan niya ay siyang magpapabaliw sa kanya, hanggang sa palagi na siyang sumusunod sa bawat gusto nito, kahit na sakit ito sa kaniyang ulo.
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by the Possessive Billionaire

Owned by the Possessive Billionaire

Hoshi Rhodes
Elaina was saved by Silas Desmond ang kanyang bilyonaryong Padrino na sampong taon niyang hindi nakita. Dahil sa hindi siya nasanay sa kahirapan at sa takot na balikan siya ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang ay nakiusap siyang sumama kay Silas at pumailalim sa proteksyon nito kapalit ang mga dokumento na naglalaman ng lahat ng kanyang mamanahin mula sa kanyang mga namayapang magulang. Ngunit hindi sapat ang mga iyon para sa isang Silas Desmond sapagkat ninanais din nitong angkinin siya.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Shadow

Shadow

Sa lugar kung saan wala kang kakampi kun'di ang iyong sarili, sisigaw ka ba nang malakas? Pumasok si Lianne sa Brimstone Academy para manamnam ang hustisyang ipinagkait sa kan'ya. Ngunit ang pagpasok niya sa impyernong iyon na pala ang magiging malaking pagkakamali na kan'yang gagawin. Makakamit niya kaya ang hustisya, kung tumatakbo ito palayo sa kan'ya? Makakatakas pa kaya siya ng buhay sa Brimstone, kung ang tadhana na ang nagsabi na 'yon ang lugar na nararapat sa kan'ya?
Mystery/Thriller
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
971 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
His Unexpected Son

His Unexpected Son

Doc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang babago sa kanyang pananaw. May isang babae na magpapakilala sa kanya at sasabibin na nabuntis siya nito. Kanya kayang tatanggapin ito o tatakasan katulad ng kanyang ginagawa sa tadhana?
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status