Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Paghihiganti ni Emma

Paghihiganti ni Emma

Galit, poot, at paghihiganti ang nag-udyok kay Emma na pumasok sa mundo ni Edward—ang kilalang playboy na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang kapatid. Bilang sekretarya, nagtagumpay siyang mapasok ang buhay ni Edward, ngunit ang kanyang plano ba ay magiging ganap na tagumpay, o siya mismo ang malulunod sa sariling bitag? Isang kwento ng galit, pagnanasa, at mga lihim na hindi madaling limutin.
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY UNEXPECTED LOVE

MY UNEXPECTED LOVE

Dahil sa kagustuhang makuha ang posisyon at ang kumpanya, lihim na nagpakasal sina Ezra at Daryll sa tulong ng kaibigan at pamangkin ni Daryll na si Angel. Sa simula isa lamang itong kasunduan, ngunit kalaunan unti-unting umusbong ang damdaming hindi nila inaasahan. Napuno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama, at halos perpekto na ang lahat. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik mula sa kanilang nakaraan? Makuha pa kaya nilang magsama ng maayos at tahimik? TUNGHAYAN!!
Romance
10178 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tasha

Tasha

Naniniwala ako na wala na sa impyerno ang mga demonyo, kundi nasa lupa na ang mga ito. Isa lang akong hamak na inosenteng babae. Ngunit nabago ang lahat ng tila kinuha sa akin ang pagiging musmos ko ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ko. Inubos nila ako, winasak nila ang pagkatao ko. Ngayon ako naman ang uubos sa mga demonyong ito. Ako si Tasha at ito ang kwento ko.
Mystery/Thriller
3.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10868 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kakambal Sa Ibang Mundo

Kakambal Sa Ibang Mundo

Sa mundo ng mga diwata, kapag may taong nakasabay nila sa oras kung kailan sila isinilang ay itinuturi nila itong kakambal. Magkaiba man ng mundo, nakagisnang buhay ay hindi pareho pero sa paniniwala ng diwata kakambal niya ito. Siya ay si Alea, isang tao na laging dinadalaw ng kakambal niyang diwata. Ngunit pilit silang inilalayo sa isa't-isa kaya lumaki silang hindi nagkakasama. Lumipas ang maraming taon at hindi na rin nagpapakita ang kambal nitong diwata. Ngunit nang dumating ang nalalapit na panglabing-walong taong kaarawan nila ay muli itong nagparamdam at nagpakita. Siya ay si Avaleighra, ang kakambal niyang diwata.
Fantasy
1026.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Secret Agent

The Billionaire's Secret Agent

Caleb is a multi-billionaire business tycoon at the same time a loving brother to his siblings. His focus is on his family business, na minana niya pa sa namayapa niyang ama na si Don. Crisostomo Reid. May sampu siyang kapatid sa Ama, isa na rito si Chandria Reid. Isang sikat na modelo sa iba't-ibang panig ng bansa, ito ang pinaka close niya sa lahat ng kaniyang kapatid, dahil sa napaka sweet nito sa'kaniya. Kaya gano'n na lamang ang labis na panglulumo niya nang matagpuang patay ang kapatid ng mga awtoridad sa condo nito at pinaniniwalaang nag suicide pa. Sa kagustuhan niyang malaman ang totoong nangyari sa pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal na kapatid two- years ago. Makikilala niya si Vanessa Rui, isang sikat na secret agent, also known as a detective at highly recommended nang kaniyang matalik na kaibigan.. Sa pagkrus ng landas nilang dalawa. Paano kung guluhin ng matapang at bruskong babae ang nahihimlay niyang puso. Handa kaya siyang buksan muli ito sa ngalan ng pag-ibig..
Romance
1013.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

Si Violet Rodriguez, isang masayahin at madiskarteng dalaga, ay may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nagpasya siyang magtrabaho bilang babysitter, kung saan nakilala niya ang iba't-ibang tao, kabilang na ang bilyonaryong si Black at ang kanyang anak. Sa kanyang pagtatrabaho, hindi lamang ang puso ng bata ang kanyang napaamo, kundi pati na rin ang puso ng ama. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay muling nagulo nang dahil sa mga taong nag hahabol sa kayamanang meron si black Sa gitna ng mga pagsubok, pagtatangka sa kanyang buhay, at mga lihim na nabubunyag, natagpuan ni Violet ang pag-ibig kay Black. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi naging madali, lalo na nang dumating ang mga taong gustong silang paghiwalayin at gamitin sila para sa kanilang sariling interes. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig at katotohanan kung ang kanyang iniingatang pamilya ay nadamay sa isang brutal na paghihiganti? Makakamit ba niya ang hustisya para sa pamilya, at maabot ang kapayapaan at kaligayahan na matagal na niyang hinahanap?
Romance
370 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

Rhythm of the Dead Heart (Guns & Roses Series 1)

‘Pinangakuan siya nito ng kasal at walang hanggang kaligayahan na sa ibang babae nito tinupad…’ Umasa si Quinn Autumn Gonzales na sa pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na nobyong si Reon Nicolo Romanov, ay matutupad na ang mga plano at pangarap nila. Subalit isang araw bago makauwi ang lalaki, nabalitaan nalang niya na namatay ito sa gitna ng misyon nito bilang isang sundalo. Nagdalamhati siya ng labis pero pinilit niya ang sarili na magpakatatag alang-alang sa munting buhay na umaasa sa kanya. Limang taon ang lumipas, nakatagpo siya ng isang lalaking kamukhang-kamukha ng yumao niyang kasintahan—si Dmitri Sandoval. Iisang mukha, subalit ibang katauhan, kaparehong itsura, pero kakaibang pamumuhay at estado. At ang mas nagpaguho ng pag-asa niya ay ang katotohanang may pamilya na ang lalaki. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin ngayong muling nabuksan ang sugat ng nakaraan? Tunay nga kayang namatay na ang lalaking minamahal niya o sinadya lang nitong iwan siya para tuparin ang ipinangako nitong kaligayahan sa kanya para sa iba…
Romance
103.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving His Vengeance

Loving His Vengeance

Ang buhay ni Alecia ay parang giyera. Kailangan magsakripisyo kundi'y may mawawala. Sa tanang buhay niya'y lumaki siyang mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sariling mga paa at mabuhay ng tahimik sa malaking mansyon. Wala ni isang sumubok makipagkaibigan sa kanya o lumapit man lang dahil lahat ng nakakasalamuha niya'y tinatawag siyang mangkukulam o 'di kaya'y demonyo. Totoo kaya ang akusa ng mga tao sa kanya? Totoo kaya ang usap-usapan na isa siyang demonyo o mangkukulam? Ano kaya ang nasa likod ng mga kwentong ito? Gusto mong malaman? Halika at sabay tayong buklatin ang kwento ng isang babaeng pinagkaitan ng saya sa mundo.
Romance
8.81.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One night stand with a stranger that is my husband?!

One night stand with a stranger that is my husband?!

Ms.Ash
Ang goal niya ay ma-divoreced agad sa asawa at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Paano kung malaman niya na ang estrangherong lalaking naka one-night-stand niya ay ang kaniyang asawa? At kasama ng asawa ang isa pa pala niyang anak na siyang kinuha sa kaniya matapos niyang manganak at pinag muka siyang masama sa pag aabanduna dito. Halina't tuklasin ang kwento ni Lily at Zackary na siyang patuloy na pinaglalaruan ng tadhana.
Romance
842 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4243444546
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status