Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1028.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Patuloy parin umaasa at naghihintay si Melisa na balang araw ay magkikita muli sila ng kanyang kaibigan na si Albert. Simula kasing nag aral si Albert ng kolehiyo ay Manila ay wala na itong balita pa. Pero alam niyang babalikan siya ni Albert upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapag patayo ng Dream House sa lugar na kanilanh tagpuan. Ngunit isang araw ay nabalitaan niyang magpapakasal na si Albert kay Devina. Gumuho ang mundo ni Melisa ng malaman niyang ang pinagawa ni Albert na Dream House ay magiging bahay na pala nila ni Devina. Ngunit lingid sa kaalaman ni Melisa na ito ay para talaga sa kanya at hindi para kay Devina. Gustong kausapin ni Albert ang dalaga upang maintindihan niya kung paano at ano ang nangyari sa kanya noong siya ay nag tatrabaho sa America. Ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya. Nagpakalayo muna si Melisa upang makalimutan ang bangungot na kanyang naranaaan. Lumipas ang taon ng malaman ni Melisa na hanggang ngayon ay hindi pa kasal si Albert at Devina. Nabalitaan din niya sa kanyang ina na araw-araw siyang hinahanap ni Albert upang magpaliwanag at muling mag balik ang kanilang pagkakaibigan at (Pagmamahalan). Bumalik si Melisa. At ibang Melisa na iyon hindi na mahina hindi na iyakin at hindi na kailan pa matatalo at masasaktan. Nagkita sila ni Albert sa hindi inaasahang lugar. Dahil sa pananabik ni Albert kay Melisa ay bigla niya itong hinalikan sa mga labi. Kapwa sila nagulat sa nangyari. Isang malakas na palad ang dumapo sa pisngi ni Albert. Magiging huli naba ang lahat para kay Melisa? Maipaglalaban pa kaya niya ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaibigan? Lalo na at magpapakasal na ito kay Devina.
Romance
9.817.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MAFIA’S RIVALRY

THE MAFIA’S RIVALRY

Ate J
Claire Morcilla has a dark secret that she hides for a long time. All she wanted was a happy and simple life and this was her dream. She was alone at mag-isang itinataguyod ang sarili. Subalit may malaking halaga siyang kailangan bayaran. Ito ang pamanang iniwan sa kanya na hindi niya matatakasan. Ang sampung milyong utang ng kanyang yumaong ama at ito ang dahilan kung bakit araw-gabi siya kumakayod para mabilis makaipon upang makabayad. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana o ipinanganak lang talaga siyang may kalakip na malas sa buhay dahil hindi pa niya masosolusyunan ang utang ng kanyang ama ay may panibago na namang dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay si Steve Mendez. Ang lalaking niligtas niya sa bingit ng kamatayan na inakala niyang kaibigan at mapagkakatiwalaan. Ngunit may maitim pa lang binabalak sa kanya kapalit ng hindi pagbubunyag ng sikretong iniingatan. Pangalawa ay si Benedict Gonzalvo isang negosyanteng pinagkakautangan ng kanyang ama. Baliw na baliw rin sa angking kagandahan ni Claire na kahit sino ay babanggain makuha lamang ang atensyon ng dalaga. At dito magsisimula ang masalimuot na buhay ni Claire sa dalawang lalaking nag-aagawan sa kanya. Hanggang kailan kakayanin ni Claire ang hamon sa kanya ng buhay? Kailan ito matatapos? Sino ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang sitwasyon? Meron ba siyang matatawag na knight in shining Armor? Sino at kailan ito darating para iligtas siya?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Add to library
When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

Pagkatapos ng tatlong taong pagpapakasal, Ryah Zovee realized her husband, Grayson Kai Sandoval, true priorities lay with his first love, Zoe Klein. Hindi maramdaman ni Ryah ang pagpapahalaga sa kaniya ni Grayson kahit sa family gathering o business magmula noong dumating si Zoe. Tanging kay Zoe siya nakatuon. Isang araw ay sinabi ni Grayson na si Zoe ang dapat mamahala sa kumpanya at siya ang may karapat-dapat sa posisyon kaysa kay Ryah. Dahilan iyon para masaktan siya ng lubusan at gumawa ng desisyon na umalis. “Kaya kong buhayin ang anak ko. Our paths have diverged, and it's best if we part ways.” Pagkatapos ng maraming taon, binago ni Ryah ang kaniyang pamumuhay. Mabilis siyang umangat sa kaniyang negosyo at nagkaroon ng koneksiyon sa iba't ibang tao, lalo na sa isang CEO na siyang may-ari ng pinakamalaking kumpanya. Kalaunan, biglang dumating si Grayson na humihingi ng kapatawaran. Bumungad sa kaniya ang nagtatanong na si Ryah. “Para saan pa? Grayson? ” Ngunit hindi inaasahan ay dumating ang CEO, claiming Ryah and their daughter as his own. "You're too late," the CEO declared, his possessiveness unmistakable. "She's mine, and I'll do whatever it takes to keep her and our daughter safe." Mapapatawad nga kaya ni Ryah si Grayson? O mananatili nang sarado ang puso ni Ryah para kay Grayson dahil sa pagkakamaling nagawa nito?
Romance
10606 viewsOngoing
Read
Add to library
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Romance
9.721.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K viewsCompleted
Read
Add to library
BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..." ♡♡♡♡ Dahil sa kanyang inang nasa ICU, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili kahit labag sa kanyang kalooban. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naangkin siya ng isang misteryosong lalaki na nagpakilala bilang "Z." Subalit sa halip na mapoot sa lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen, namalayan na lang ni Calley na nahulog ang loob niya rito. Minahal niya ang hindi nakikitang lalaki at umasa pangakong babalikan siya nito at magpapakilala. Sa paglipas ng panahon, kahibangan mang maituturing, ngunit pinaghawakan ni Calley ang pangakong iyon ni Z. Lalo pa't ang isang gabing namagitan sa kanila nito ay nagbunga. Hanggang sa napadpad si Calley sa Coron at doon nakilala niya ang magkapatid na Zack at Zayne. Naging malapit ang dalawang lalaki sa kaniya, lalo na sa kaniyang anak, dahilan upang paghinalaan niyang isa sa mga ito si Z na ama ng kanyang anak. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita? Ang lalaking minahal niya sa kabila ng nakapiring niyang mga mata? Or will she open her heart again for a new love?
Romance
9.8118.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

Sa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre. Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito! Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya? Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya? Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status