Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Denying Temptation with My Husband's Twin Brother

Dalawang taon nang kasal si Faye sa kaniyang asawang si Matheo, ngunit isa lamang kasunduan ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Mayroong lihim si Matheo sa tunay nitong pagkatao, at upang mapagtakpan iyon ay kailangan niyang magpakasal sa isang babae. Si Faye naman ay iniiwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal kaya pumayag siya sa kasunduang ibinigay sa kaniya ni Matheo. Ang pangako nilang dalawa, hanggang tatlong taon lamang ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng tatlong taon ay maibibigay na ang mana kay Matheo na siyang paghahatian nilang dalawa at mamumuhay silang malaya at masaya. Ngunit paano pa iyon matutupad kung bigla na lamang nawala ang lalaki? Hindi malaman ni Faye kung tinangay ito o napahamak. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Matheo. Hanggang sa biglang lumitaw ang kakambal ni Matheo— si Mikhael. Ang lalaking akala niya’y hindi na niya muling makikita. Alam ni Mikhael na nawawala si Matheo at posibleng nasa kapahamakan ang buhay nito. Isang international agent si Mikhael, at nalaman nito na ang pagkawala ni Matheo ay may kinalaman sa sindikatong tinutugis nito. Upang mapalabas ang tootong may sala sa pagkawala ng kapatid, kailangan na magpanggap ni Mikhael bilang si Matheo. At kinakailangan nito ang kooperasyon ni Faye. Ngunit tila hindi lamang ang buhay ni Matheo ang nanganganib sa pagkakataong ito— maging ang puso ni Faye ay nasa panganib na rin. Gayong ang totoo niyang iniibig ang kaniya nang makakasama sa pagpapanggap. Paano niya rin maproprotektahan ang lihim nilang dalawa ni Matheo? Hanggang saan ang pagtatago at pagpapanggap nilang tatlo? Hindi kaya bumalik ang damdamin ni Faye kay Mikhael? O baka si Mikhael ang bigla na lamang mahulog sa kaniyang sister-in-law? How would they protect their heart while fulfilling their duties? How could they deny the temptations?
5.51.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 40 Beses bilang del gentle protect
Read
+Library
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 28 Beses bilang del gentle protect
Read
+Library
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
107.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 177 Beses bilang del gentle protect
Read
+Library
Mister President’s Dirty Secret

Mister President’s Dirty Secret

Napilitan si Selene na maging isang surrogate mother nang makulong ang kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian—she needed money, and fast. Kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang pinapasok niya, tinanggap niya ito alang-alang sa taong pinakamahalaga sa kanya.Ngunit habang dinadala niya ang bata sa kanyang sinapupunan, may isang madilim na banta ang dumating sa kanyang buhay. May taong nagbabala sa kanya—leave, or you and the child you carry will be killed. Takot ang namayani sa puso niya, kaya pinili niyang tumakas at maglaho nang parang bula.Limang taon ang lumipas.Pagod, hirap, at pangungulila ang naging kasama niya sa mga panahong iyon. Kaya nang wala na siyang matakbuhan, she returned to Manila, hoping for a fresh start. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya bilang kasambahay ng mismong pangulo ng bansa.Sa loob ng palasyo, akala niya ay makakahanap siya ng katahimikan. But fate had other plans.Unti-unting napalapit sa kanya ang binatang presidente—isang lalaking makapangyarihan ngunit may pusong marunong magmahal. Sa bawat araw na magkasama sila, her walls slowly broke down. Ngunit kasabay ng paglapit nila sa isa’t isa ay ang pagdami ng mga taong gustong sirain siya.Mga matang mapanghusga. Mga bulong na mapanakit. At ang pinakamabigat—ang imahe ng pangulo na unti-unting nadudungisan dahil sa kanya.She was just a maid. Isa lamang siyang dalagang ina na may madilim na nakaraan. At siya—isang lider ng bansa na kailangang manatiling malinis ang pangalan.Ngayon, kailangan niyang pumili.Will she fight for love, kahit kapalit nito ang pagbagsak ng lalaking mahal niya?Or will she walk away, sacrificing her own happiness to protect his name?Sa mundong puno ng kapangyarihan at lihim, ang pag-ibig ba ay sapat para ipaglaban… o isa lamang itong kahinaan na kailangang bitawan?
104.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 142 Beses bilang del gentle protect
Read
+Library
Carrying The Billionaire's Child

Carrying The Billionaire's Child

"Whether you like it or not! You need to abort the baby! I don't need your fucking mercy Iris! You don't have to project yourself as a victim!" Nanlilisik ang mga mata ni Lucas habang nakatitig sa akin. Gusto niya akong burahin sa kaniyang mga mata. Isang basura ang tingin niya sa'kin. Isang maruming asawa. "Pagkatapos mong makuha ang lahat? Ito ang gagawin mo? Ipapalaglag mo ang bata? Wala kang puso. Wala kang awa. Hayop." Hinampas ko si Lucas sa dibdib ng aking mga kamay. Galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga. Pinaglaruan niya ang nararamdaman ko. Umiiyak lamang ako habang pinapalo ko siya sa dibdib. Gusto siyang saktan. Gusto ko siyang paluin ng mga kamay ko para magising siya sa katotohanan. Wala akong magawa kundi ang hampasin si Lucas sa dibdib habang umiiyak ako. Ang sakit-sakit ng ginawa niya. Isang bagay ang tingin niya sa'kin, na pagkatapos niyang gamitin at pagsawaan ay itapon na lamang. Walang halaga ang pagkababae ko para sa kaniya. Marahas niyang pinigilan ang mga kamay ko. Nangingilid lamang ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso ko nang mga sandaling ito. I thought he is my happily ever after? But I was wrong! The man I adored was hurted me. He broke my heart after all. "Stop being fool Iris. Nothing can blame but you. Dahil ginusto mo ang nangyari sa atin. Ikaw ang may kagustuhan ng lahat," Nanlaki ang mga mata ni Lucas sa akin dahil sa galit. Pagkamuhi ang nararamdaman ng puso niya para sa akin. Agad akong sinakal ni Lucas sa leeg. Napahawak ako sa braso niya. Nakatingala lamang ako sa kaniya, hindi makahinga. Pumapatak ang mga luha ko. "You need to abort the baby. You will do it to protect my identity Iris."
1072.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.4K Beses bilang del gentle protect
Read
+Library
PREV
1
...
232425262728
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status