Maid of the Ruthless CEO
Dahil sa isang business scandal na sinimulan ng pamilya ni Thalia Salvador, naapektuhan nang malaki ang kumpanya ni Rio Velasco. Nawalan siya ng milyon-milyong pera at nasira ang reputasyon ng kanyang kumpanya.
Kasabay nito, iniwan siya ng babaeng dapat sana niyang pakasalan. Sa halip na ma-merge ang kumpanya ni Rio sa pamamagitan ng kasal, pinili ng babae na magpakasal sa ibang lalaki—at doon nag-merge ang kanilang mga kumpanya.
Dahil sa galit at paghihiganti, nagdesisyon si Rio na ipakulong ang pamilya ni Thalia upang pagbayarin sila sa ginawa nila. Wala silang ibang choice kundi magmakaawa sa kanya.
Pumayag si Rio na tulungan sila, pero may isang kondisyon.
Si Thalia ang magiging personal maid niya.
Kailangan niyang sumunod sa lahat ng utos ni Rio—kahit pa sa mga personal na bagay. Para kay Thalia, ito lang ang paraan para mailigtas ang kanyang pamilya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan.