Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

'Yong feeling na ipinagkasundo ka na palang ipakasal sa taong kinamumuhian mo. Sa isang taong makita mo pa lang ang mukha umiinit na ang ulo mo. 'Yong taong hindi mo makasundo. Ni sa hinagap 'di mo man lang pinangarap na makasama habambuhay. Lust or love at first sight? 'Yong feeling na makakita ka ng isang Adonis na nakatapis lamang ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. Sa 'di mo inaasahan na lugar at pagkakataon. 'Yong tipong tumakas ka sa kanilang lahat pero napadpad ka naman sa isang lugar na mas ikakapahamak mo. Magpapadilim ng kapalaran mo. Lugar kung saan naisuko mo ang pinakaiingatan mo. Sa lalaking 'di mo lubos kilala ang pagkatao at ayaw mo. Sa isang lalaking hinusgahan kaagad ang pagkatao mo. Ano ang gagawin mo kung sa paglipas ng mga araw na nakakasama mo s'ya sa iisang bubong ay unti-unting nahuhulog ang loob mo sa kanya? At pa'no kung kailan hulog na hulog ka na. Ibinigay mo na ang lahat na meron ka sa kanya. Wala ka nang tinira pa para sa sarili mo. Saka naman isa-isang nagsipagsulputan ang mga babae n'ya. Tatanggapin mo ba ang pagsusumamo n'ya sa'yo? Mga pangakong magbabago s'ya para sayo? Maniniwala ka bang magbabago ang isang certified playboy dahil sayo? Ano ang gagawin mo kung isang araw malalaman mong nakabuntis ng ibang babae ang lalaking mahal na mahal mo na? Ang lalaking inakala mong s'ya na ang "THE ONE" mo. Mapapatawad mo pa ba s'ya or tatakas kang muli?
Romance
109.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed

The Billionaire's Sin: The Wife He Betrayed

Akala ni Samantha, sapat na ang pagmamahal para iligtas ang isang kasal pero nagkamali siya. Bilang asawa ni Terrance, isang lalaking cold at makapangyarihang CEO ng Reyes Holdings, tiniis ni Samantha ang isang relasyong hindi mo masasabing gugustuhin mong magkaroon, hanggang sa dumating ang sukdulang pagtataksil. Hindi lang mula sa asawa niya, kundi mula sa sarili niyang kapatid na si Althea. Durog man at sobrang wasak ang puso, iniwan ni Samantha ang lahat, ang apelyido, ang yaman, at ang lalaking minsan niyang minahal. Umalis siya dala ang tanging kayamanan niya, ang lihim na hindi kailanman nalaman ni Terrance. Limang taon ang lumipas, bumalik si Samantha sa Pilipinas bilang isang respetadong doktor, tahimik na namumuhay kasama ang anak niyang si Sevi—ang anak na hindi alam ni Terrance na sa kaniya pala. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Ayaw na niyang humingi ng kahit ano. Laluna sa lalaking minsang sumira sa kaniya. Pero hindi marunong makisama ang tadhana. Sa muling pagtatagpo nila dahil sa may sakit na lola ni Terrance, unti-unting bumabalik ang mga alaala, at mga katotohanang matagal nang nakabaon. Ngayon, habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim, mapipilitan si Terrance na harapin ang mga desisyong minsan niyang tinakasan. Samantala, kailangang pumili si Samantha, kung gaano kalayo ang kaya niyang gawin para protektahan ang buhay na binuo niya… at ang anak na ipinangako niyang hindi mawawala sa kaniya. Sa mundong puno ng kapangyarihan, pagtataksil, at pagmamahal na hindi tuluyang nawala, may mga tanong na hindi na kayang takasan.
Romance
10259 viewsOngoing
Read
Add to library
Prince of the Womanizers

Prince of the Womanizers

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."
Romance
9.821.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ms. Homophobic

Ms. Homophobic

Stephanie- mahiyain na may pagka nerd na student sa kanyang pinapasukan na university. Samantha- homophobic, maldita at queen bee daw kuno. anong mangyayari kung ang isang homophobic at mahiyain na may pagka nerd ay mag tagpo ng landas?
LGBTQ+
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Steffano Brothers' Obsession

Steffano Brothers' Obsession

Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na siya sa kanyang buhay kasama ang kaniyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Pero simula nang makilala niya ang Steffano brothers na sila River, Efraim, Irvin, Grant at Amir ay doon na nagsimulang magulo at masira ang tahimik niyang buhay.
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1069.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Trapped in Love

Trapped in Love

Si Caroline Shenton ay ang matagal na at hindi matinag tinag na presensiya sa tabi ni Evan Jordan. Sa malawak na lungsod ng Angelbay, siya ang ikatlong anak at pinakaiingatan na kayamanan ng misteryosong Jordan family, isang hindi mahawakan at sagradong ganda. Pero, sa loob-loob niya, alam ni Caroline na kapalit lang siya, taga punan para sa tunay niyang pag-ibig. Sa araw na nahanap ni Evan ang tunay niyang pag-ibig, malupit niyang itinapon si Caroline na parang laspag na sapatos. Sapagkat nasiraan siya ng loob at dismayado, naging malamig siya, at kasama ang sanggol hindi pa niya ipinapanganak, pinili niyang magsimula ng bagong buhay sa malayong lugar. Lingid sa kanyang kaalaman, nabaliw si Evan, hindi alintana na ang kanyang isang dekada ng hinahanap, na tunay niyang pag-ibig, ay matagal na palang nasa tabi niya…
Romance
9.587.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Now He Wants Me Back

Now He Wants Me Back

“Nagliligpit ka…” puna ni Cassian sa ginagawa ni Ember na naabutan. “Why? Tapos na ba ang selebrasyon sa birthday ko?” Pilit na ngumiti si Ember at sinalubong ang mga tingin ni Cassian. “Naisip ko na hindi naman ako ang gusto mong kasama ngayon kaya hindi na ito kailangan. And about your birthday… may naisip akong mas magandang regalo para sa ‘yo. Sigurado kong magiging ma—” “Huwag ka na mag-abala,” putol ni Cassian sa sasabihin niya. “Hindi ko kailangan ng regalo mula sa ‘yo.” Natigilan si Ember. Napakurap. Mapait na nangiti sa sarili. Paano niya bang minahal ang lalaking ito sa harap niya nang gano’n katagal? Hindi lang lima kung hindi lampas dekada na espesyal ito sa kaniya at nag-iisang itinangi. “Promise,” muling wika ni Ember. “Promise at magugustuhan mo ang ireregalo ko. I want divorce, Cassian.” *************** Nang bumalik si Lauren, ang stepsister at dating kasintahan ng asawa niyang si Cassian Montgomery Syquia... alam na agad ni Ember na wala siyang laban. Mula pa noon ay alam ni Ember na si Lauren lang ang minahal ng asawa. At kahit ang sariling ina ay ito ang laging pinapaboran. Kaya bago pa siya masaktan ng lubusan, nagdesisyon si Ember na makipag-divorce para magparaya. Pero si Cassian? Bakit nang sabihin ni Ember na mag-divorce sila ay ayaw nito? At bakit kung kailan ayaw na niya ay saka naman ito naging interesado sa kaniya?
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status