Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Me, Mr. CEO

Love Me, Mr. CEO

Ms. Morimien
Malaki ang kapasidad ni Laura pagdating sa negosyo kung kaya’t paborito siya ng kanyang Lola at inaasahang magiging hahalili rito sa pamamahala ng kompanya. Subalit ang taglay na galing ni Laura ay ang nagbigay sa kanya ng mga sekretong kaaway na hihila sa kanya pababa. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya nang i-set up siya ng pinsan at tiyahin. Nangyari ang isang gabing pagkakamali na siyang bumago sa buhay ni Laura ng tuluyan. Subalit marahil ay likas siyang pinagpala dahil nagbunga ng kambal ang pagkakamaling iyon. Iyon ang naging dahilan ni Laura para bumangon muli. Matapos ang limang taong pagpapakahirap niya sa ibang bansa ay bumalik siya sa Pilipinas para ipamukha sa pamilyang tumaboy sa kanya na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpapabagsak sa kanya. “Mommy!” Pumihit sa direksyon ni Michael si Laura at sinalubong ng mahigpit na yakap ang anak. “Where have you been?” Nakasimangot na tanong ng bata. Akmang magsasalita si Laura ngunit natigilan siya ng lumitaw mula sa likuran ng bata ang pamilyar na lalaki. Ganoon na lamang ang pag-awang ng kanyang labi habang nakatitig sa kanya ang lalaki. “So, he’s your son?” Tanong nito dahilan para awtomatikong mapraning si Laura. “Mommy! This guy said he is my Daddy! Is that true, Mommy?!” Ngumisi ang magagandang uri ng labi ng lalaki. He’s assumptions are right. He’s biggest competitor in the world of business, Laura De Silva Goldsmith is the woman he’d been looking for five long years. And now that he caught her with his twins — he won’t let her go again. Suddenly, her plan to revenge was melted by his love. And Laura found herself saying… “Love Me, Mr. CEO.” But the question is, will there be a happy ending for them?
Romance
10855 viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
333435363738
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status