Bound to the Billionaire's Vows
Synopsis:
Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba.
Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.