Ang asawa kong Bilyonaryo
biglang seryosong tanong ng dalaga.
Tumingin ang matanda sa kaniya. “Siguradong sa panahon ngayon ay iilan nalang kaming nakaka-alam nito, pero ang mama mo at si Don Enrique ay matalik na magkaibigan.” Hindi makapaniwalang nakatingin si Stella sa matanda. “Palagi silang magkasama Stella, galing ng maynila ang mama mo at magkakilala ang magulang niya’t si Enrique kaya ipinakilala nila ito sa kaniya. Anim na taon ang tanda namin sa iyong mama, naging magkakaibigan kaming apat at napansin agad namin ang pagkagusto ni Enrique sa mama mo pero wala itong alam. Hanggang sa dumating ang papa mo’t nagsimula na ang gulo.”