Maling Akala
Ms. JNwhat have you been up to in tagalogtula tungkol sa amatagalog message for husbandfamily story tagalog
Binuksan ng dalaga ang kahon at inilabas ang kulay itim na gown.
Iniladlad niya iyon at napangiti siya nang malamang hindi gaanong malalim ang neckline ng gown, ngunit mapapansing hapit ito sa katawan nang sinumang magsusuot.
Spaghetti-strap pero mayroong manipis na shawl.
"Ano ang masasabi mo?" ani Angeline.
"Nice." tipid nitong tugon.
Nagtaka ang dalaga sa katamlayan nang kaibigan.