Spying my Billionaire Husband
Alyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito.
Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel.
Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?