Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Romance
1010.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
109.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Nightly Obsession (SPG)

Nightly Obsession (SPG)

Warning: This Book is not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contains graphic sex scenes, adult languages and situations intented for mature readers only! Ilang taon niyang itinago ang anak sa kanyang ex nang lokohin at saktan siya nito. Ngunit hindi niya akalaing sa kanilang muling pagkikita ay mapapatunayan niya sa kanyang sariling hindi lamang ang anak nila ang itinago niya, itinago niya rin ang hindi mawalang pagmamahal niya dito, kahit pa sa ilang taong hindi sila nag kita ay ibang katauhan na nito ang madadatnan niya, malayong-malayo na ito sa dating buhay nito noong iwan niya. Naibalik man ang dating init ng bawat tagpo at gabi sa pagitan nila, buo pa rin anv pasya niyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak na itinatago niya. Ngunit nang minsang manganib ang buhay ng kanyang anak, nawalan siya ng ibang pagpipilian kundi ang lapitan ang lalaki at humingi ng tulong dito. He gave her only one option. BE WITH HIM, BACK HOME AND TO HIS BED!
Romance
1011.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ESCAPE From My Estranged Husband

ESCAPE From My Estranged Husband

Mahirap lamang si Cory Luna. Isang singer sa High End Bar. Nang makilala niya si Eliseo Andrew. Ang unang pagkikita ay naging isang gabi na nagpabago sa buhay ni Cory. Umalis si Cory para maiwasan si Ely. Dahil para sa kanya hindi sila nababagay. Isang mahirap at isang mayaman. Malayong malayo ang kanilang agwat sa buhay. Gaano ba kahirap ang magmahal? Hanggang kailan ko tatakasan ang taong minahal mo dahil lang sa pagkakamali? Mamahalin mo pa kaya siya kung palagi ka na lamang iiwan niya?
Romance
1010.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The VonTobel's Heir

The VonTobel's Heir

Si Gianna Marie Falcon ay galing sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ay matindi ang pagpupursigi niya upang makaahon sila sa kahirapan. Kaya no’ng niyaya siya ng kaniyang Tiya Sabel na maging isang stripper sa isang prestihiyosong club ay kaagad niya itong tinanggap kahit labag ito sa kalooban niya. Doon ay nakilala niya ang isang mala-adonis na pangangatawan at pantasya ng mga kababaihan,siya ay si Ivo Stephan VonTobel isang bilyonaryo at may-ari ng respetado at sikat na kompaniya sa buong Pilipinas. Si Ivo ang naging una’t huling costumer ni Gianna, una palang niyang nakita ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit may anong kiliti sa kaniyang puso kapag nakikita at nakadikit ito sa kaniya. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila, gabing hinding-hindi niya malilimutan kailanman. Ngunit paano kaya kung bumunga ang gabing pinagsaluhan nila? Dalawang cute na tsikiting at kamukha pa ito ng ama nila. Sila ba ang magsisilbing paraan upang sila ay magkasamang muli, o hahayaan lang ni Ivo ang mag-iina niya dahil may asawa na siya?
Romance
1011.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
Romance
109.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
A SECOND CHANCE IN LOVE

A SECOND CHANCE IN LOVE

Isang gabi lang pero nabago na husto ang buhay ni Althea. tatlong taon ang lumipas at nagtagpo muli ang landas nila. Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Magkakaroon ba ng chance na may mabuong pagmamahal sa kanilang dalawa. Magkakaroon ba sila ng pagkakataon para makilala ang isa't isa o tulad nun una ay iiwasan muli ni Althea ang binata. Vhans
Romance
9.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Suddenly Married to my kuya

Suddenly Married to my kuya

"I'm not your brother, Abby. I am your husband. And I need you as the husband needs his wife." Nang umalis ang kuya Xander ni Abby para mag- aral sa ibang bansa, pumalit sa papel nito bilang kuya nya ang bestfriend nito na si Xavier. Kaya lumaki sya na kuya ang turing kay Xavier. Hindi naman nya lubos akalain na magbabago ang lahat dahil sa isang gabi ng pagkakamali at hindi pagkaunawaan. So, her kuya Xavier, turns to be her husband. Dahil sa guilt at kasalanan naman nya, kaya binigyan nya ito ng karapatan para makasama parin nito ang babaeng mahal nito, sabay pangako dito na papayag sya ng annulment kung saka- sakali. Pero, isang araw bigla nalang syang nagising na ayaw na nyang e- share sa iba ang kuya Xavier nya. Pero ano nga ba ang magagawa nya kung iba ang nagmamay- ari ng puso nito? Hahayaan nalang ba nya ito na makasama ang babaeng mahal nito o ipaglaban nya ang karapatan nya bilang asawa nito? Originally from my: Del Fuengo Clan, 3rd gen.
Romance
1010.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Carrying The Billionaire's Real Heir

Carrying The Billionaire's Real Heir

MissBangs001
Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
Romance
1010.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Karma

The Billionaire's Karma

Rhan Jang
One night stand, ito ang tanging paraan na naisip ni Mia upang mailigtas ang nag-aagaw buhay na ina. Bagamat hindi niya nais ang bagay na ito, wala siyang magawa dahil kailangang-kailangan niya ng pera. Makalipas ang dalawang taon, tuluyan niyang binaon sa limot ang nakasusukang gabi na iyon. Napagamot niya rin ang kanyang ina at nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, dahil hindi niya akalain na ang kapatid ng boss niya sa trabahong matagal na niyang pangarap ay walang iba kung hindi ang lalaking nakasama niya sa isang mainit na gabi.
Romance
108.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
29
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status