Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10460 viewsOngoing
Read
Add to library
Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Captivating Mr. Mysterious ( She’s Into Him )

Presilda Amore
Sabi nila First love never dies. Pero para kay Faye gusto na niyang mamatay ang damdamin niya para sa ex boyfriend niyang si Mark. Ayaw na muna niyang mainlove. Ngunit mapipigilan ba niya ang kaniyang puso sa muling pagtibok nito? Sino kaya sa dalawang binata ang karapatdapat niyang piliin na maging second love: Si Lance ba na kababata niya at matagal nang nagmamahal sa kaniya o si James, ang the man in a leather shoes na bumihag sa puso niya pero nakatakda na palang ikasal sa iba?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mad Chief Executive Officer

The Mad Chief Executive Officer

KUMUSHIRAKO
Pinagbintangan at nakulong ang Lola ni Locket, dahil kapus sa buhay napilitan siyang lumuwas sa Maynila para magtrabaho upang makaipon ng pang piyansa. Nag-apply si Locket bilang janitor sa Spyru Harbor Ship Salvor and Builder, isang nangungunang intergrated maritime service provider sa buong bansa. Ngunit, laking gulat ni Locket nang sabihin na pumasa siya sa interview para maging secretary ng Chief Executive Officer ng kompamya. Syempre, pinatos na niya ang offer na trabaho kahit pa hindi naman talaga siya qualified sa nasabing posisyon. Ang akala ni Locket tuloy-tuloy na ang pasok ng swerte sa buhay niya, hagang sa isang gabi, aksidente niyang nasaksihan ang isang krimen na hindi niya dapat nakita.
Paranormal
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10536 viewsOngoing
Read
Add to library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Romance
10431 viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Amber Stories
Ibinenta ni Alathea "Thea" Fermin ang kanyang sarili sa isang secret pornsite para sa operasyon ng kanyang Lola na nagpalaki sa kanya. Isang nagngangalang Elijah Moretti ang nakatalik niya at umangkin sa kanya. Huli na nang nalaman niyang miyembro pala ito ng kinatatakutang Mafia sa bansa.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara. Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
Romance
10129.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status