Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

KweenMheng12
Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Line_Evanss
Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123

Read Genial Premio Doble Novels & Stories Online

Here are 22 novels related to genial premio doble for you to read online. Generally, genial premio doble or similar novel stories can be found in various book genres such as Romance. Start your reading from HIDING THE BILLIONAIRE'S SON at GoodNovel!
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status