A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog
Narinig ni Amanda Moretti ang balitang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kaya tumakas siya mula sa tahanan ng kanyang mga magulang. Determinado siyang pumili ng sariling landas, nagsimula siyang mamuhay mag-isa at unti-unting binuo ang tahimik na kalayaang natagpuan niya sa kanyang maliit na apartment.
Sa tulong ng isang bagay na siya mismo ang lumikha—isang app na ginawa niya upang matulungan siyang malampasan ang bawat araw—hindi lamang siya nakaraos kundi umangat pa. Lumago ang app, naging matagumpay, at kalaunan ay nakilala sa maraming lugar.
Dahil sa tagumpay na iyon, nakilala niya ang isa sa kanyang mga kliyente—si Knoxx Xavier Vitale—isang lalaking hindi niya inakalang lubos na magbabago ng takbo ng kanyang buhay. Arogante at antipatiko. Sukdulan ang ugali nitong hindi tugma sa kanya.
He kept on pestering her. Kaya nang inalok siya nitong magpanggap bilang nobya sa harapan ng mga magulang nito, sa una'y nagdadalawang-isip pa siya. Mentioning a hundred thousand dollars made her eyes sparkling of wealth.
Napapayag siya nito. Ngunit mas may nakakagulat pang rebelasyon ang mangyayari kasunod.