Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unwanted Wife

Unwanted Wife

Asawa ko siya pero hindi ko siya matawag na akin dahil may nagmamay-ari na ng puso niya. Gusto kung ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kan'ya dahil mahal ko siya at asawa ko siya. Subalit ang hirap ipaglaban ng taong kahit kailan hindi nakita ang halaga mo dahil para sa kan'ya ikaw ang sumira ng buhay niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga sa pagmamahal ko para sa kan'ya. Asawa niya lang ako sa papel pero hindi sa puso niya. I am Isla Madison Buenaventura Alcantara the UNWANTED WIFE.
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.6108.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Kinansela ang Kasal Para Sa’king Paghihiganti

Nakatanggap ako ng tawag isang araw bago ang aking kasal. "Miss McPherson, may sumira sa venue mo." Nagmamadali akong pumunta sa hotel nang may pagkalito at nakasalubong ko lang ang isang babaeng winwagayway ang wedding photo ko "You homewrecking skank! Inakit mo ang asawa ko at ginastos mo ang pera niya sa kasal na ito!" Naniwala ang karamihan sa kanya at nagkagulo. Pati ang manager ng hotel ay galit sa akin. "Alam ko nang may mali dito dahil hindi nagpakita ang groom! Hindi ka niya tunay na asawa!" Ang mga tao ay marahas na nagkagulo. Sa kaguluhang iyon, nakunan ako. Sa kasagsagan ng aking galit, tinext ko ang secretary ko: [Kanselahin ang kasal, at sipain si Matteo Brando sa aking kumpanya!] Ang kapal ng mukha niya na itago ang kabit niya gamit ang kayamanan ko! How dare she challenge me! Sisirain ko sila!
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius

Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius

Si Maddox Ghail ay isang magaling at sikat na doktor sa US ngunit mas pinili niyang manatili sa probinsya ng Bicol para alagaan ang kan'yang Lolang may sakit. Nagbago ang buhay niya nang mamatay ang kan'yang pinakamamahal na lola mismo sa kan'yang harapan. Nasa kamay niya na sana ang scalpel upang simulan ang surgery ngunit nalagutan na agad ito ng hininga. Simula no'n nawala ang confidence ni Maddox na magpagaling ng isang pasyente. Hindi rin niya inaasahang dumating ang mga magulang niya roon na halos ilang taon na niyang hindi nakikita. Akala ni Maddox ay ang burol ng lola niya ang pakay ng mga ito ngunit nagkamali siya. Gusto siyang kunin ng mga ito at idala sa Maynila upang ipakasal sa isang lalaking hindi niya naman lubos kilala--- mas worst ay baldado pa.
Romance
9.8871.0K viewsOngoing
Show Reviews (84)
Read
Add to library
Nins Javier
Newbie here!! Sobrang ganda ng story! Gusto ko yung Palaban ang bidang babae kaya good job ka sakin miss A. Kinikilig ako siguro green flag si Kai. Moree update pa po at moree pakilig!! Cant wait masupalpal sila sa career ni Maddox!! All the best Author... Xoxo
Irene
Super exciting pa din magbasa ng story na kahit hindi sunod sunod updates pero sa bawat chapters yung feeling na lalabas na yung puso mo sa sobrang intense ng nangyayare HAHAHAHAHAHAHA super Ganda talaga. More stories pa Ms. A. Loveyouu!🫶🏻 #Happy100kviewsLoveHeals
Read All Reviews
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K viewsCompleted
Read
Add to library
YAYA MOMMY (TAGALOG)

YAYA MOMMY (TAGALOG)

BLURB Si Jossa San Pedro ay masipag na dalagita na nagmula sa probinsiya. Nang mamatay ang mga magulang dahil sa isang trahedya na nangyari sa dagat ay napilitan siyang lumuwas ng manila para buhayin ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid. Ngunit dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, nakilala
Romance
10415.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Temporary Mrs. Saldivar

Temporary Mrs. Saldivar

Hindi inakala ni Maria Calderon na aalukin siya ng kasal ng sarili niyang boss na si Apollo Saldivar, kapalit ng dalawampung milyong piso. Ang dahilan? Gusto nitong patunayan sa ex-girlfriend na tuluyan na siyang naka-move on, matapos siyang iwan para sa karera nito. Kontrata lang ang kasal. Magpapanggap lang silang nagmamahalan sa harap ng ex. Pagkatapos ng isang taon, magpapaanul. Walang commitment at walang complications. Tumanggi si Maria noong una. Pero nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa kapatid, napilitan siyang pumayag. "Don’t fall in love with me, Maria. Hindi kita masasalo." 'Yan ang malinaw na bilin ni Apollo sa dalaga. "Don’t worry, Sir Apollo. I won’t. Alam ko po ang lugar ko," sagot niya. Pero paano kung kinain niya ang sariling salita? Paano kung isang araw, magising na lang siyang nahuhulog na sa lalaking hindi dapat mahalin?
Romance
333 viewsOngoing
Read
Add to library
LIES: MY  BILLIONAIRE EX

LIES: MY BILLIONAIRE EX

PAMILYA, PAG-IBIG AT PANGAKO. ‘Yan ang mga dahilan kung bakit nasaktan nang lubusan si Rhian.  Nobyo n'ya ang bilyonaryong si Andrew Santillan Jackson. Galing sa mayamang angkan na pinangakuan s’ya ng kasal kung sakaling magbunga ang ginawa nilang pagtatalik kahit labag sa kanyang puso at isipan. Walang nagawa ang dalaga dahil lubos n'yang mahal ang nobyo n'ya—pero isang kamalian ang pagsugal n'ya ng pagkabirhen sa binata. Kahit ganoon pa man ay hindi gumawa ng hindi maganda si Rhian na magpapahamak sa kan'yang munting anghel. Ipinangako n'ya sa sarili na kahit anong mangyari ay bubuhayin n'ya ang kan'yang magiging anak. 'Pangako ko sa iyo anak, kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko, hinding-hindi kita ipapalaglag salungat sa gusto ng iyong amang taksil sa ating dalawa lalo na sa iyo.'
Romance
1038.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Naughty Boastful Boss

My Naughty Boastful Boss

Onyx
Kylee Nicole Montenegro, ako 'yun. Labing-walong taong gulang na at malapit ng mag-kolehiyo. Hindi na ako nagho-homeschool; malapit na akong maging normal na estudyante, tulad ng pangako ni Dad. Homeschooled ako mula nung ako'y limang taon dahil sa isang aksidente. Madalas sabihin ng mga tao na marami daw nangyari sa buhay ko noong bata ako, pero isang bagay lang ang matandaan ko — isang panyo. Isang hindi kakilalang bata ang nagbigay sa akin nito, at hindi ko alam ang pangalan niya. Malamang, hindi ko na siya makikilala matapos ang maraming taon, pero umaasa ako na isang araw ay makakita ako sa kanya para magpasalamat. Ang hindi kakilalang ito ang tumulong sa akin nang mawala ako sa mall. Naalala ko ang bahagi ng pangyayari, pero hindi lahat. Napapangiti ako nang hindi ko namamalay. Pagkatapos kong lumabas ng banyo, napansin ko ulit ang panyo at ngumiti. Mukhang may kaunting paghanga ako sa taong nagbigay nito sa akin. Ilang taon na itong nasa akin at hindi ko pa ito nalalabhan. May nakasulat ding salitang "TRIST" dito. Iniisip ko kung pangalan ba ito. Nagtango na lang ako dahil wala akong alam. Nahulog sa malalim na iniisip, isang katok sa pinto ang bumalik sa akin sa realidad. "PUPUNTA NA!" sigaw ko nang marinig ko si Ate Lena na nagpapaalam na ang almusal ay handa na. Isinilid ko ulit ang panyo sa aparador, may kakaibang tanong pa rin sa aking isipan. SINO KA?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
In My Stepbrother’s Bed

In My Stepbrother’s Bed

Nang mamatay ang ama ni Isabelle “Bela” ay naging independent na ito. Siya na ang mag isang nagpatakbo sa restaurant na iniwan ng kaniyang ama. Tatlong taon na tahimik ang buhay ni Bela ng tawagan siya ng ina niyang matagal na silang iniwan mag ama at sumama sa ibang lalaki. Tumawag ito upang humiling na gusto niyang makasama si Bela bago ito tuluyang maikasal sa lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Pumayag si Bela dahil nangako itong matapos ang kasal ay hindi na siya guguluhin ng Ina niya, pero tila napaglaruan ng tadhana si Bela, dahil makikita niya ang lalaking minsan nagbigay ng ligaya sakaniya kahit isang gabi lang, si Keiran na anak pala ng mapapangasawa ng mama niya. Tatanggapin nalang ba nila na magiging magkapatid na sila? o magpapalamon nalang sa tawag ng laman at pagnanasa nila sa bawat isa.
Romance
10740 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status